Dentrix Ponce gaganap na drug courier

MANILA, Philippines — Ano ang maaaring mangyari kung ang isang bata ay masangkot sa isang krimen na hindi niya alam? May pananagutan ba sila dito, samantalang hindi nila alam na masama ang mga bagay na ito?
Anim na taong gulang pa lang si Marco nang gamitin siya bilang drug courier. Nagsimula sa isang fast food kung saan siya nilagyan ng mga droga sa kanyang katawan, hanggang sa tuluyan na niyang nagustuhan ang pagtutulak ng droga ng kanyang ama. Ito ang mundong kinalakihan niya. Mula sa mga panahong ito ay inakala niya na laro lang ang mga krimen na kanyang ginagawa. Hanggang sa matuklasan ng kanyang Nanay.
Isang malaking pagtatalo ang naganap sa pagitan ng mga magulang ni Marco..
Nang makulong ang ama ni Marco, nagdesisyon siyang mamuhay na ng marangal. Ngunit nang muling maghirap ang kanilang pamilya ay napilitan si Marco na bumalik sa illegal na trabaho na itinuro ng ama.
Ngayong Sabado, sama-sama nating panoorin sa Magpakailanman ang buhay ng isang batang lumaki bilang kriminal dahil sa kanyang Ama. Kasama sina Dentrix Ponce as Teen Marco, Euwenn Aleta as Young Marco, Tonton Gutierrez as Ben, Lilet as Mylene, Bryce Eusebio as Teen Hector, Jacob Briz as Young Fredo, Julius Miguel as teen Fredo and Princess Aguilar as Teen Jane.
Mula sa mahusay na direksiyon ni Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Jayson John Lim at sa pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.
- Latest




















