^

PSN Showbiz

Ice walang pinakakawalang gig para may panggastos sa binubuo nilang anak ni Liza

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ice walang pinakakawalang gig para may panggastos sa binubuo nilang anak ni Liza
Liza at Ice

Ayaw nang patulan pa ni Ice Seguerra ang mali-maling balitang ikinalat tungkol sa paghahanda nila ni Liza Diño na magka-baby.

Hindi pa kasi ganun ka-familiar sa karamihan ang proseso nang pagkakaroon ng baby, kaya ang akala ng iba si Ice ang mabubuntis.

Sinubukan namin siyang kapanayamin sa radio program namin sa DZRH, pero tumanggi na si Ice at hindi na niya kami sinagot.

Sabi na lang sa amin ni Liza na tulungan daw sana sila sa pagdarasal na maging successful ang ginagawa nila para matuloy ang kanyang pagbubuntis.

Nasa first step pa lang kasi sila, ang pag-harvest ng eggs niya, pero hindi pa ito tiyak kung magiging successful lahat hangga’t hindi pa ito ipinagbubuntis ni Liza.

Sabi nga ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson nung nakausap namin nung nakaraang Linggo, tinotodo na raw ni Ice ang pagtanggap ng gigs para makapag-ipon sa pinaghahandaan nilang baby.

Hindi raw biro ang gagastusin pero mas mura na raw ito kung ikumpara sa mga una nilang inquiries.

Ani Liza; “Ang maganda dito, hindi siya gaanong mabigat. Yung first process namin, actually puwede mo siyang ma-avail ng 250 thousand up to 400 thousand. Pero kay Ice umabot siya ng 300K. So, kayang-kaya pa lalo na ngayon sa mga gig ni Ice medyo nakaka-survive na kami.

“Parang next stage, ayun panibagong bayad na naman siya. Hindi tulad before yung in-inquire namin sa ibang bansa, talagang kailangan may 1.5 million kami agad o 1 million ganyan. So, medyo hindi siya realistic sa amin.”

Pinaghahandaan na rin ngayon ni Liza ang pagpasok ng pagdiriwang ng 100 years of Philippines Cinema.

Sa September 11 daw ang gala night na kung saan doon na rin sisimulan ang Pista ng Pelikulang Pilipino na matatapos hanggang 18.

Simula raw sa araw na iyun, marami nang magkakasunod na activities bilang bahagi ng pagdiriwang ng centennial ng Philippine Cinema.

May ilang producers na nagsimula na ngayong gumawa ng pelikula para sa pagdiriwang na ito.

Isa na nga rito ang pelikula ngayon ni direk Brillante Mendoza na may tentative title na Lupang Hinirang.

May ilang producers na gagawa na rin, at isa nga sa interesado si Mother Lily Monteverde.

Meron pa raw isang binubuong project na mga Philippine Icons ang nasa cast.

Meron daw silang inaayos na malaking concert na kung saan tampok ang 100 movie theme songs for 100 years.

May paparangalan din silang mga kilalang nasa showbiz, na hindi lang mga artista, direktor, producer o yung mga nakikita sa isang pelikula, kundi pati yung mga sinasabi nilang mga unsung heroes.

Inaasahan din ni Liza na sasali rin ang Metro Manila Film Festival.

Maine at Arjo panay-panay ang date!

Masipag ang ilang netizens sa pagpu-post ng mga kuha nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Madalas na nga raw sila ngayong nagdi-date at kinukunan sila ng iba at ipinu-post sa kanilang social media account.

Pini-pick up naman kaya nalalamang napapadalas na ngayon ang kanilang pagdi-date.

Sabi nga ni Arjo nang nakatsikahan namin sa presscon ng ‘Tol, maingat ang mga sagot niya kapag tungkol sa kanila ni Maine ang itinatanong dahil personal side daw nila iyon at ayaw niyang i-showbiz.

Hindi nga sure kung makakadalo si Maine sa premiere night ng ‘Tol na gaganapin ngayong gabi sa Trinoma.

Ayaw naman daw i-pressure ni Arjo si Maine na kailangang dumalo, dahil labas naman daw sa showbiz ang relasyon nilang dalawa.

Kahit nga ang tanong na kung posibleng magsama sila sa isang pelikula ay hindi rin muna sinasagot ni Arjo yan dahil ayaw nga niyang i-showbiz ang kung ano mang namamagitan sa kanila ni Maine.

As of presstime, ang nabalitaan namin ay wala nga raw si Maine sa premiere night ng ‘Tol kagabi.

Ang nakarating lang daw sa kanila ay baka magpapa-block screening daw si Maine, bilang suporta niya sa ‘Tol.

vuukle comment

ICE SEGUERRA

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with