^

PSN Showbiz

Sharon Cuneta napasali sa pelikula ni Bato Dela Rosa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nag-sorry si former PNP Chief Ro­nald “Bato” Dela Rosa kay Sharon Cu­neta dahil wala sa sarili na naikumpara niya ang katawan ngayon ng Megastar sa sexy body ni Beauty Gonzales sa presscon kahapon ng Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story.

SCENE: Great privilege para kay Beauty na siya ang leading lady ni Robin Padilla sa Bato... Sinabi ni Beauty na super fan siya nina Robin at ex-General Bato. Ang asawa ni Bato na si Nancy ang ginampanan ni Beauty sa drama action movie na mapapanood sa mga sinehan simula bukas, January 30, 2019.

SEEN: Hindi na nakadalo si Adolf Alix, Jr. sa mga presscon ng Bato... dahil ang editing ng pelikula ang inasikaso niya. Noong January 23 lamang natapos ang shooting ng life story ng dating PNP Chief.

SEEN: Makakalaban sa takilya ng Bato: The General Ronald Dela Rosa Story ang reunion movie ng real-life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen, ang Ang Sikreto ng Piso.

SCENE: Kasama sa lahat ng mga eksena sa trailer ng Ang Sikreto ng Piso ang comedian na si Long Mejia kaya mapagkakamalan na sila nina Ariel Rivera at Gelli de Belen ang mga bida ng pelikula.

SEEN: Ang taos-puso na pasasalamat nina Boobay at Super Tekla kay Jessica Soho dahil sa personal endorsement nito sa The Boobay and Tekla Show, ang kanilang programa sa GMA 7. Napanood ang pilot episode ng co­medy show nina Boobay at Tekla noong Linggo nang gabi, pagkatapos ng KMJS.

SCENE: Mapapanood ngayon sa Magandang Buhay ng ABS-CBN ang part 2 ng exclusive interview nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada kay Edu Manzano. Impressive ang mga painting ni Edu sa bahay nito sa San Juan City. May kuwento ang lahat ng mga painting at kagamitan sa tahanan ni Edu na mada­ling puntahan dahil tabing-kalsada at  hindi nakakaligaw dahil tanging ang bahay niya ang may Philippine flag sa harap  kahit hindi Independence Day.

SEEN: Parang Pied Piper si Edu kapag umiikot ito sa San Juan City dahil sinusundan siya ng mga tao na yumayakap sa kanya at humihiling ng selfie na kasama siya.

vuukle comment

BATO: THE GEN. RONALD DELA ROSA STORY

SHARON CU­NETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with