^

PSN Showbiz

Moira at Jason sa kanilang kasal lang nag first kiss!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Moira at Jason sa kanilang kasal lang nag first kiss!

Isang garden wedding ang nangyari sa pagitan nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez na ginanap sa Tagaytay.

Tumayong flower girl sa kasal nila ang two-year-old daughter ng mag-asawang Paolo Valenciano at Samantha Godinez-Valenciano na si Nataleia, unang apo ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Valenciano.

Ilan sa mga celebrities na namataan sa kasal nila in Tagaytay ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid with Leila Alcasid; si Sam Milby, Gab Valenciano kasama ang bagong girlfriend nitong si Joanne Santiago, Erik Santos at iba pa.

Sina Moira at Jason got engaged in April 29, 2018 pero ang first kiss ng dalawa ay nangyari lamang sa araw mismo ng kanilang wedding ceremony last Monday in Tagaytay.

The couple had also their civil wedding rites held on January 8.

Reaffirmation of vows nina Rossel at Ka Tunying, star-studded!

Samantala, magkakahalong showbiz, politicians, businessmen naman ang komposisyon ng mga bisitang dumalo sa reaffirmation of wedding vows ng mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna.

Ilan mga kilalang personalidad na namataan namin  ay sina Senators Cynthia Villar, Allan Peter Cayetano, Win Gatchalian, Atom Araullo, K-Brosas, Ariel Ureta, Winnie Cordero, Amy Perez, Martin Nievera, ang dating 3rd runner-up ng Miss Universe 2013 na si Ariella Arida, ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, ang big boss ng Chooks To Go na si G. Ronald Mascariñas kasama ang kanyang lovely wife na si Angelita, ang kilalang CPA, businesswoman at concert-producer na si Flor Santos (ina ng young singer na si L.A. Santos), Mons Romulo, ang mag-asawang Dr. Andres at Alice Eduardo, ang partner ni Anthony sa Dos for Dos ng DZMM na si Gerry Baja at iba pa.  Hindi naman nakarating ang dalawa sa mga principal sponsors na sina G. Ramon Ang at Kris Aquino.

Gustung-gusto namin ang very solemn wedding ceremony ng mag-asawang Anthony at Rossel officiated by Bro. Dan Orosa.

Dahil nagsi-celebrate ang mag-asawa ng kanilang ika-11th year bilang mag-asawa, eleven pairs of principal sponsors ang kanilang kinuha na pinangunahan nina Bro. Eduardo Manalo at Sis. Babylyn Manalo. Tumayo ring godparents sina Ariel at Winnie na mga kasamahan ni Tunying sa Umagang Kay Ganda at isa naman si Amy sa tumayong Bridesmaids kasama ang panganay nina Anthony at Rossel na si Zoey habang ang bunsong si Helga ay tumayong flower girl.

Best Man si Allan Encarnacion, isa sa malalapit na kaibigan ni Anthony, who is celebrating his 44th birthday today, January 16

Kasama naman sa ele­ven pairs ng principal sponsors ang basketball icon na si Robert Jaworski at si G. Ronald Mascarinas na nagtatag na rin ng sarili niyang league ng basketball team for PBA (Philippine Basketball Association) kung saan kasama ang nakababatang kapatid ni Andre Paras na si Kobe Paras.

Kung gaano ka-intimate at ka-solemn ang wedding ceremonies nina Anthony at Rossel ay siya namang ka-bongga ang kanilang wedding reception na ginanap sa  The Fernwood Gardens in Tagaytay.

Dahil sa sobrang ginaw sa labas nung Monday evening, marami ang hindi tumagal sa wedding cocktails na ginawa sa labas ng venue.

 Napakinabangan naman ng mag-asawang Anthony at Rossel ang kanilang Outbox Media Events Company dahil ito ang nangasiwa sa wedding ceremony at maging sa reception pati na ang preparations ng mga AVPs ng mag-asawa.

Kasama sa mga guest performers ang Concert King na si Martin Nievera, ang first grand winner ng Asia’s Got Talent in Singapore, ang all-male shadow players na El Gamma Penumbra at iba pa.

vuukle comment

MOIRA DELA TORRE AND JASON MARVIN HERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with