^

PSN Showbiz

‘Boyfriend’ ni Tony idinawit sa isyu sa Immigration!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pinagpiyestahan nang bonggang-bongga ang isyung hinaharap ngayon ni Tony Labrusca na kung saan nagsisigaw daw ito sa isang Immigration officer sa NAIA dahil 30 days lang ang ibinigay sa kanya na puwedeng manatili sa bansa.

Sa social media na rin inilabas ng taga-Immigration ang kanyang paliwanag, at ang ama ni Tony na si Boom Labrusca ang humingi ng apology.

As of presstime, hinihintay pa ang statement mula kay Tony, at pati sa Star Magic na siyang nagha-handle sa kanya.

Pero ang dami nang nakisawsaw at nakialam sa isyung ito.

Ang daming naglabas ng kanilang komento, at pinag-usapan sa social media.

Isang netizen na nagngangalang Brandon Mendoza ang nag-post sa kanyang Twitter account na nasaksihan daw niya ang buong pangyayari na kung saan nagsisigaw at pinagmumura raw doon ang mga Immigration officer.

Kung totoo nga ito, hindi nga naman maganda itong ginawa ni Tony. Pero pinapalabas pa nitong Brandon na ‘boyfriend’ daw ng Kapamilya actor ang umaawat sa kanya.

Pati iyun ay dinamay na unfair din naman sa aktor.

Ang dami ngang nagkomento sa post na iyun, pero nang tiningnan na namin ang naturang account, naka-private na ito.

Opinyon ko nga, doon na lang siguro muna mag-focus sa isyu niya sa Immigration.

Huwag nang dalirutin ang ibang malisyosong isyu na ikinakabit kay Tony.

Kasi sa totoo lang, iinit naman talaga ang ulo mo paglapag mo ng NAIA, at pagdating mo ng Immigration dahil parang palengke lang doon na nagsisiksikan na ang mga pasahero.

Kaya hintayin na lang siguro muna ang statement mula kay Tony at pati na rin sa Star Magic na siyang nagha-handle sa kanya.

Jose ‘di inasahang magbibida!

Hindi raw talaga pinangarap ni Jose Manalo na maging bida.

Kaya hindi raw niya naintindihan ang naramdaman nang inalok sa kanya itong Boy Tokwa: Lodi ng Gapo.

Ito ang first production ng VST Specialists, Inc. ni Sen. Tito Sotto.

Ang tagal nga raw nag-sink in sa kanya na magsu-solo na siya sa pelikulang ito.

Saad ni Jose nang nakatsikahan namin kamakalawa ng hapon; “Nung una kinabahan na agad ako nung binigay sa akin…ayoko pa talaga. Sabi ko, huwag muna…hindi pa po talaga ako ready na mag-solo.

“Sabi ni Tito Sen, ‘akong bahala sa yo.

“Sabi ko nga puwede na akong sidekick habang buhay nasa showbiz ako. Iyun lang talaga ang gusto ko na madikit ka lang gaya ni Vic Sotto, malaking bagay na yun. Hindi ka na magugutom.

“Mas mahirap mag-solo ka kesa may kasama ka. Kahit sa buhay natin, mas masarap yung meron kang kadikit di ba? Hindi puwede na magsarili ka.”

Hindi pa nga raw niya gaanong pumasok sa kanya ang karakter na ginagampanan niya, dahil hindi naman daw siya talaga nagbabasa ng script.

Pero nung pinasadahan daw niya ang kuwento, nagustuhan na niya at nung kalagitnaan ng shooting, doon na raw pumapasok sa katauhan niya ang karakter ni Boy Tokwa na hango pala sa kuwento ng buhay ni Rodrigo Morales na kilalang si Boy Tokwa na kilalang-kilala sa Olongapo nung 60s hanggang 70s.

Kaya sa January 8, huhusgahan si Jose  sa pelikulang ito. Aminado nga siyang napi-pressure siya rito dahil first venture ito ng film production ni Tito Sen, kaya dapat maganda ang resulta.

Suportado naman si Jose rito ng mga Dabarkads niyang sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros na may special participation sa pelikulang ito.

vuukle comment

JOSE MANALO

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with