^

PSN Showbiz

Kim at Anne ‘di umubra sa husay ni Gloria

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kim at Anne �di umubra sa husay ni Gloria
Anne

Sina Gloria Romero at Dennis Trillo ang tinanghal na Best Actress/Actor sa katatapos na MMFF 2018. Hindi nakaporma sa beteranang aktres ang mga mas nakakabatang aktres na na­ka­laban niya. Bow lang sina Anne Cur­tis, Kim Chiu at mga kasama sa na­ging tagumpay ng itinuturing na Reyna ng Pelikula para sa pelikula niyang Rainbow’s Sunset na humamig ng 11 awards kasama na ang Best Director (Joel Lama­ngan), Best Screenplay, Best Production Design, Best Supporting Actor/Actress (Tony Mabesa, Aiko Melendez), Best Picture, at marami pa.

Nakuha ni Dennis ang award niya para sa One Great Love na nanalo ring 3rd Best Picture. Second Best Picture ang Aurora. Best Float naman ang Jack Em Popoy.

John Lloyd bumawi kay Miles

Maaring tinalikuran na ni John Lloyd Cruz ang kanyang pag-aartista pero, hindi ang mga nakasama niya sa industriya at naging kaibigan.

Sa isang interview kay Miles Ocampo na matagal niyang nakasama sa Home Sweetie Home, ikinwento nitong inimbita niya ang aktor sa nakaraang birthday niya. Hindi ito sumagot o nagreply man lamang. But days after her celebration ay nakipag-communicate ito kay Miles at nangakong pupuntahan ito sa UP na kung saan ay nag-aaral siya.

Dumating naman ito sa takdang araw. Nagpaumanhin ito sa hindi pagbibigay sa imbitasyon ng young actress, nagbigay naman ito ng dahilan na hindi na mahalaga kay Miles, ang importante ay nagkasama sila.

Naglakad-lakad lang sila sa campus at dedma lang ang aktor sa maraming na­kakita sa kanila. Sa tingin ni Miles ay happy ang aktor sa kanyang matahimik na buhay ngayon at igagalang niya ito. Happy din siya for him.

Makaka-match ni Pacman, mas kinatatakutan

Mas nakakatakot ang susunod na makakalaban sa boksing ni Sen. Manny Pacquiao na si Adrien Broner. Hindi lang ito bihasa sa boksing, malaki rin ang kabataan nito sa Pinoy boxing champion. Dapat paghandaang mabuti ni Pacman ang paghaharap nila at sana huli na niya ito. Hindi na siya bumabata. After boxing, marami pang magagawa si Pacman na may kinalaman sa pulitika at showbiz.

vuukle comment

ANNE CUR­TIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with