^

PSN Showbiz

Female personality maligaya sa piling ng mister, wala nang keber sa selosang aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala ay “that girl” pa rin ang tawag ng isang sikat na female personality sa isang babaeng personalidad na itinuturing niyang pinakamatinding kaaway.

Wala nang nararamdamang tensiyon ang publiko sa kanilang pagitan, ang kanilang mga tagahanga na lang ang nag-aaway-away, pero sa mga pagkakataon palang napag-uusapan si Actress B ay “that girl” pa rin ang tawag sa kanya ni Actress A.

Kuwento ng aming source, “Tama! Up to now, e, hindi pa rin binabanggit ni Actress A ang name niya. Siya pa rin si ‘that girl,’ baka ‘yun na ang itawag sa kanya forever ni Actress A!

“Kapag magkakasama sila ng mga friends niya at hindi maiwasang mabanggit sa usapan si Actress B, e, tahimik lang si Actress A. nakikinig lang siya, parang wala siyang interest sa kuwento.

“Ang nakakaloka, e, nagkakaintindihan na silang magkakaibigan kung sino ang tinutukoy nila, ‘that girl’ din kasi ang tawag ng mga friends niya kay Actress B!” tawa nang tawang kuwento ng napapailing na impormante.

Parang talbos ng kamote na lang pala ang turing ni Actress A kay Actress B. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng kanyang enemy na itinuturing.

Sabi uli ng aming source, “Deadma lang siya, wala siyang keber. Care bears lang siya kay ‘that girl.’ Alam niya naman kasi ang kartada ng babaeng ‘yun na kunwari, e, bait-baitan, pero susmaryosep!

“Naranasan na niya ang kahayupan ng babaeng ‘yun, hanggang ngayon, kapag naaalala niya ang ginawa sa kanya ni Actress B, e, kinikilabutan pa rin siya! Hindi kasi niya sukat-akalaing magagawa pala ‘yun sa kanya ng girl nang dahil lang sa sobrang selos!

“Pero nakapag-move-on na siya, maligaya na ang buhay niya ngayon kasama ang husband niya. Pero ang girl, maligaya rin kaya kung ganu’n na lahat na lang ng babaeng makasama sa project ng husband niya, e, pinagseselosan pa rin niya?

“Walang happiness na nararamdaman ang babaeng super-insecure! Hindi kakapit ang kaligayahan sa klase ng babaeng kahit yata kutsarang nakapalda, e, pagseselosan pa rin niya!

“Basta, happy na ngayon si Actress A, punumpuno na ang kanyang puso, wala na siyang hahanapin pa, happy heart na siya ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Utol ni Jericho, nireklamo ng misis ng pagiging lasenggo at tamad

Nu’ng Martes nang hapon ay nagsadya sa programa ni Raffy Tulfo sa Radyo 5 ang isang nagusumbong na babae. Inirereklamo nito ang ama ng kanyang mga anak na palagi raw lasing at napakatamad.

Sa huling away raw nila ay sinugod ng lalaki at ng kanyang ina ang babae, pareho silang lasing, pinaalis nila sa bahay ang babae. Naiwan sa bahay ang isang anak nito, pati ang mga kagamitang ang babae ang bumili at nagpundar, ‘yun ang ihinihingi nito ng tulong kay Kuya Raffy.

Sa pagpapatuloy ng tanungan-sagutan ay tinanong ng host ang babae, “Saan ba kayo nakatira?” Sa bahay raw na ang kapatid ng nakahiwalay nitong lalaki ang nagpundar.

“Sa bahay po ni Jing,” sabi ng babae. “Sino si Jing?” balik-tanong naman ni Kuya Raffy. “Kay Jericho po, kapatid ni Jeremiah,” sagot uli ng babae.

Si Jericho Rosales pala ang Jing na sinasabi ng nagrereklamo, kapatid ng magaling na aktor si Jeremiah, ang sinasabing palaging lasing at napakatamad ng babaeng dumulog sa Wanted Sa Radyo.

Ang Mommy Rose na sinasabi ng babae na nagpaalis sa kanya ay ang ina ni Jericho Rosales, palagi raw itong lasing, laging kainuman ni Jeremiah.

Hiyang-hiya si Jeremiah nang kausapin ni Kuya Raffy sa kabilang linya, sana raw ay sila na lang ng kanyang misis ang mag-usap tungkol sa problema, nakakahiya raw kasi na nabuyangyang pa sa buong mundo ang pinaglalabanan nila.

Nilinaw ni Kuya Raffy na walang kinalaman si Jericho Rosales sa isyu, ang totoo ay puring-puri pa nga ng babae ang magaling na aktor, mabait na anak at kapatid daw ang kanyang bayaw.

Nakakalungkot lang na kung minsan ay hindi naman nag-uugat ang problema sa mismong personalidad kundi sa mga mahal nila sa buhay. Hindi sila ang sangkot sa problema pero ang naka-headline sa mga pahayagan ay ang kanilang pangalan.

Sikat kasi sila, kilalang-kilala, kaya malaking imbitasyon sa headline ang kanilang pangalan kahit wala naman silang kinalaman sa isyu.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with