^

PSN Showbiz

Julie Anne moving on na kay Benjamin

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne moving on na kay Benjamin
Julie Anne

SEEN: As herself si Ruffa Gutierrez sa special appearance niya sa Tuesday night episode ng Ngayon at Kailanman, ang primetime show nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa ABS-CBN.

SEEN: Si Sunshine Cruz ang isa sa mga unang nag-post kahapon sa social media tungkol sa pagkamatay ni Teejay Cruz pero binura niya ang kanyang IG post sa hindi malaman na dahilan. Pinsan ni Sunshine si Teejay.

SCENE: “Moving on” hairstyle ang tawag ng fans ni Julie Anne San Jose sa new and short hairdo ng singer-actress na hindi pa nagsasalita tungkol sa balita na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Benjamin Alves.

SCENE: Nagpapalaki na rin ng katawan ang singer na si Rhap Salazar na instant fan ng gay singer na si Freddie Mercury mula nang mapanood niya ang pelikulang Bohemian Rhapsody, ang pelikula tungkol sa pagsisimula ng British rock band na Queen. Si Freddie ang lead vocalist ng Queen at ang Bohemian Rhapsody ang blockbuster movie na extended ang showing sa mga sinehan sa Pilipinas.

SEEN: Magkakaroon ng “training” si Nadine Lustre para sa karakter ni Maria Makiling na gagampanan niya sa Pedro Penduko: The Legend Begins, ang action fantasy movie ng Epik Studios na pagbibidahan ng kanyang boyfriend na si James Reid.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with