^

PSN Showbiz

Regine walang inalala sa TF nina Piolo, Daniel at Sharon

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Regine walang inalala sa TF nina Piolo, Daniel at Sharon
Regine

MANILA, Philippines — Maraming aligaga sa Regine At The Movies concert series ng asia’s songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na magsisimula ngayong saturday sa new frontier theater sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Mukhang tinigilan na nga siya ng bashers. Payapa na ang paligid at ang concert na niya ang pinag-uusapan at ang pagpasok niya sa ASAP sa Sunday.

Or baka nga natakot na ang bashers. Kaya na silang kasuhan at ipakulong tulad sa nangyari kay Keanna Reeves na nakulong dahil sa Cyber libel.

Anyway, mga guest ni Regine sina Piolo Pascual (November 17), the Megastar Sharon Cuneta (November 24) at Daniel Padilla (November 25).

Ubusan daw ng tickets lalo na ‘yung sa Saturday.

As of presstime, kakaunti na rin available for November 24 & 25.

Wala raw talent fee na pinag-usapan sa guesting nina Papa P., Sharon and Daniel. Ayon kay Cacai Velasquez-Metram, “In fairness, no talks about TF talaga! Ang naging problema pa namin, ‘yung schedules nilang tatlo para nga magtugma sa araw na magge-guest sila.

“’Yung kay Sharon nga, sobrang thankful talaga kami ni Ate dahil dapat nasa Hong Kong na siya that day, pero nag-adjust siya ng sobra. Ginawa niyang November 25 ng morning ang flight niya para mapagbigyan nga niya kami. Eh, November 25 mismo ‘yung show niya sa Hong Kong, kaya sobrang sacrifice ang ginawa ni Sharon, kaya sobrang nakakabilib at nakaka-touch!

“Si Piolo, sobrang gusto ni Ate na makapag-guest siya sa Regine at the Movies dahil nagkasama na sila noon sa movie. Hindi pa rin nakakapag-guest si Piolo sa kahit na anong concert ni Ate, pero si Ate Regine, nag-guest noon sa Araneta Coliseum concert niya.

ABS-CBN na ang major presentor ng Regine at the Movies with PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental at major sponsor naman ang Jollibee at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Cate­ring & Services at Ryu Ramen.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with