^

PSN Showbiz

Rhian ‘di nahirapang mag-move on sa ex

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rhian �di nahirapang mag-move on sa ex
Rhian

Madaling naka-move-on si Rhian Ramos mula sa naging hiwalayan nila ng dating kasintahan. Non-showbiz guy ang nakarelasyon ng aktres na umabot ng tatlong taon. “I think what makes it easy is wala naman kaming galit sa isa’t isa and we still always want what’s best for each other. I think, mahirap lang naman mag-move on ‘pag may hinanakit kayo sa isa’t isa. Kami wala naman,” paliwanag ni Rhian. 

Marami nang napagdaanang pagsubok sa buhay ang aktres kaya ayon kay Rhian ay naging matatag na siya dahil dito. “I can’t say na never akong na-depress pero dahil napagdaanan ko na a few times, may better understanding na rin ako why my brain works and how I handle hardships. I think it’s true talaga that if you just give a time you can get pass everything and then you’ll be surprised na ang dami pa palang life after pain. ‘Pag nasa loob ka ng pain akala mo hindi ka na makakalabas, pero sa totoo lang, may future ka pa,” makahulugang pahayag ni Rhian.

Sa ngayon ay wala pang plano ang dalaga na muling makipagrelasyon dahil balak nitong pumunta sa Amerika. “Hindi sa ngayon, nakikita ko din na wala din siyang point ma-entertain. Kasi balak ko din namang mag-aral somewhere. Honestly, never kong na-dream na gugustuhin kong mag-long distance relationship. Pero hindi mo alam kung anong magiging desisyon mo at that time eh,” pagbabahagi ng aktres.

Ice at Liza, excited na sa baby

Ilang taon nang pinaplano ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization. Excited na ang dalawa na makabuo ng sariling pamilya sa susunod na taon. “Siyempre excited, matagal na namin na hinihintay ‘yon eh, 2016 pa. Hanggang sa naurong nang naurong. So hopefully this time makapagbigay kami ng oras. Kasi Liza and I are not getting any younger siyempre gusto ko din na ma-enjoy ng parents ko,” nakangiting pahayag ni Ice. Todo-suporta naman ang mga magulang ng dalawa sa planong pagkakaroon ng anak. “Nako! Mas excited pa nga sa amin eh. Ayaw ko muna talaga pag-usapan hanggang wala pa kami doon talaga. Siyempre baka maudlot pa,” giit ng singer. 

Ano naman kaya ang gustong maging anak ni Ice? “I don’t really care anymore as long as na okay siya, lalaking healthy, mabait, maganda ang puso at matangkad sa akin. Walang problema,” natatawang pagtatapos ni Ice.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with