^

PSN Showbiz

Benjamin ayaw mag-expect kay Quezon

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Benjamin ayaw  mag-expect  kay Quezon
Benjamin

Pagkatapos nina Juan Luna at Gregorio del Pilar na parehong humamig sa takilya, inulan ng papuri at parangal dahil sa magandang pagkakasalin sa pelikula ng mga buhay nila, si Manuel Quezon, unang naging pangulo ng bansa ang tatangkain ni Jerrold Tarog na bigyang buhay sa pelikula.

Isa ang Kapuso actor na si Benjamin Alves sa kino-consider na pumapel sa role ni Quezon. Hindi pa man ito kumpirmado pero, dapat makaramdam ng pagmamalaki si Benjamin dahil magiging pinaka-mahalaga at malaking role niya  ito na gagampanan kung saka-sakali pero, ayaw niyang umasa at ipi­nauubaya na lamang ito sa kapalaran.

Kiko bumabawi sa pagiging badboy

Matapos ang hindi magagandang balita kay Kiko Matos na kabilang na ang pakikipagsuntukan niya sa isang kapwa niya artista ay ratsada ito sa paggawa ng pelikula. Bentang-benta sa mga prodyuser ang magandang pagbibigay niya ng justice sa mga role na naa-assign sa kanya. Dala-dalawa ang movie niya na kasali sa ginaganap na ToFarm Film Festival, ang Alimuom at Mga Anak ng Kamote pero, ang sinasabing dapat na abangan  ng mano­nood ay ang lovescene nila  ni Martin del Rosario sa Born Beautiful. 

Matatandaan na ang role ni Martin ang tinanggihang gampanan ni Christian Bables nun na nagresulta sa tampuhan nila ng mga prodyuser ng movie na sina Jun Lana at Perci Intalan pero nagkapatawaran na sila.

Klaudia nahulaan  ang ginawa ng asawa

Divorced na si Klaudia Koronel sa kanyang foreigner husband. Nasa bansa ito at nagbabakasyon. Tumagal lamang ang marriage nila ng Tsinong negosyante na napangasawa niya ng tatlong taon.

Nagtataka lamang ang lahat ng nakakausap niya na alam niya na ganito lamang kaikli tatakbo ang marriage pero, bakit sumige pa rin siya? Hindi rin naman siya pinaligaya ng mala-palasyo nilang tirahan, tatlu-tatlong kotse, matagumpay na negosyo at maraming kayamanan.

Katunayan dalawang ulit niyang tinangkang kitilin ang kanyang buhay lalo’t sa malimit nilang ‘di pagkakaunawaan ay palagi siyang tinatakot ng asawa niya na ididiborsyo siya, na nangyari nga. Naganap pa ito sa selebrasyon ng kaarawan niya.

Napunta lamang sa wala ang ginawa niyang pagtalikod sa maganda niyang niyang karera bilang artista, sa kanyang pamilya at anak para lamang makasama ito. Tsk. Tsk. Tsk.

Mystica nakahanap na ng mga hihingan ng tulong

Natupad din pala ang hiling ni Mystica na makapag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano. Narinig ni Coco Martin ang kanyang panawagan at sa pahintulot ng ABS-CBN ay mapapanood na siya. May schedule na siya for taping. Hindi lamang ang AP ang handang magbigay ng tulong kay Mystica, marami pa rin ang lumabas para siya bigyan ng ayuda.

Patricia nakuha na ang pangarap nung 1998

Nakita ko sa Star Awards for Music A Decade of OPM Excellence si Patricia Javier at hindi ko pa siya nabati sa ginawa niyang pagsali at pananalo sa Mrs. Universe 2019. Kung kailan pa siya nagkasawa’t nagkaanak at saka pa niya nakamit ang titulong hinangad din niya nung sumali siya sa Binibining Pilipinas nung 1998 at nabigo siya.

Advocacy niya ang health and fitness na kung saan ay nakakatulong ng malaki sa kanya ang asawa niyang isang doktor.

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with