^

PSN Showbiz

Richard hindi na masyadong hinihigpitan si Juliana!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard hindi na masyadong hinihigpitan si Juliana!
Goma, Juliana & Lucy

Noong Sabado ay ipinagdiwang ni Juliana Gomez ang kanyang ika-18 kaarawan. Bilang selebrasyon ay isang disco-themed party ang ginanap sa Bench Tower sa Taguig City na dinaluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Juliana.

Ayon sa amang si Richard Gomez ay nararamdaman niyang papasukin din ng nag-iisang anak nila ni Lucy Torres-Gomez ang mundo ng showbusiness.

Hindi bilang artista pero ang pagiging isang direktor daw ang gusto ni Juliana. “Sabi ko nga sa kanya, kung ‘yun talaga ang interest mo, as early as now, mag-start na from the basics. Tapos if that’s what you really want, pwede naman kitang iwan sa isang set. Pag-aralan mo muna ‘yung director, para may feel lang siya,” nakangiting kwento ni Richard.

Ayon pa sa actor-politician ay talagang nakikita niya kay Juliana ang sarili dahil sa mga hilig ng dalaga. “Nakita ko ‘yung hilig niya sa photography. Nakita ko ‘yung hilig niya sa pagbabasa niya ng libro. Tapos nakita ko din mahilig din siya mag-drawing. So nakikita ko she’s more on the arts,” pagbabahagi ni Richard.

Ngayong dalaga na si Juliana ay hindi na raw masyadong pinaghihigpitan ng mga magulang. “She’s very outgoing, hindi siya confined sa isang kwarto lang. Kapag dumating ka na sa gano’ng age, medyo may konting freedom ka na kasing binibigay sa kanila. Hindi ka na masyadong mahigpit. Hindi mo na sila tinatago sa bahay,” pagtatapos ni Richard.

Jake pa-date-date muna

Wala pang bagong kasintahan ngayon si Jake Cuenca. Matatandaang isang modelo ang huling nakarelasyon ng aktor. Kahit single ay masaya naman daw ngayon si Jake dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahang trabaho.

Hindi umano nagmamadali ang binata na muling magkaroon ng bagong kasintahan. “Sabi ko nga, pagdating sa babae, ‘pag mahal mo, alam mo agad. Pero sa ngayon, nandoon ako sa punto ng buhay ko na ang dami kong sinusubukan na bago. ‘Yun nga nagbe-venture ako into theater, nagpo-produce na rin ako ng pelikula. At this point, no showbiz na masasabi ko na nandoon ‘yung focus ko sa trabaho. Nandoon ako sa part ng buhay ko na parang gusto kong i-execute ang mga idea ko in terms of film making,” pagbabahagi ni Jake.

Aminado naman ang aktor na mayroon siyang dini-date sa ngayon. “Relax lang, kung nandiyan, nandiyan. Date-date,” makahulugang pahayag ng binata.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with