^

PSN Showbiz

Dating child star na si Rhed Bustamante nanghihingi rin ng tulong

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Dating child star na si Rhed Bustamante nanghihingi rin ng tulong
Rhed

SEEN: Bitin ang feature story ng Rated K sa naghirap na child actress na si Rhed Bustamante dahil hindi tinanong ni Korina Sanchez kung saan napapunta ang mga pera na kinita ng bata noong active pa ito sa pag-arte.

SCENE: Si Rhed Bustamante, hindi si Mystica ang dapat na tulungan ni Coco Martin na magkaroon ng guesting sa Ang Probinsyano dahil mas kawawa ang kalagayan ng child star na gustong makabalik sa showbiz para matupad ang pangarap na makatapos ng pag-aaral.

SEEN: Ipalalabas sa Cinema One Originals Film Festival sa susunod na buwan ang restored version ng Omeng Satanasia, ang 1977 comedy movie ni King of Comedy Dolphy.

SCENE: Matagal na hindi mapapanood si Vhong Navarro sa It’s Showtime dahil sa mga show niya sa Las Vegas at New York. Lumipad kagabi si Vhong sa Amerika para sa unang concert nila ni Gladys Guevarra sa Las Vegas sa September 14.

SEEN: Sina Richard Somes, Dondon Santos at Edgardo Vinarao ang mga direktor ng Tres, ang trilogy movie ng Imus Productions. Nagkaroon ng mga pagbabago kaya ipinagkatiwala na rin kay Dondon ang pamamahala sa episode ng Tres na nakatoka kay Edgardo.

SEEN: Simula sa September 19, muling mapapanood sa mga sinehan ng SM sa murang halaga na P99 ang Ang Babaeng Allergic sa Wifi, ang pelikula na official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

vuukle comment

RHED BUSTAMANTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with