^

PSN Showbiz

Lovi nagpasilip ng ‘Keps’?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Lovi nagpasilip ng �Keps�?!
Lovi

Kung nami-miss man si Lovi Poe sa pelikula at TV ay sa fashion ramp naman siya buma­bandera. At para marahil mapunan ang absence niya sa kanyang pag-aartista, mas bold siya sa kanyang pagmomodelo.

Sa isang fashion show na sinalihan niya, nagulat maging ang mga kapwa niya artista sa mapusok niyang paglalantad ng maselang bahagi ng kanyang pagkababae. Halos sumilip na ang “langit”. Pero dedma lang ang Kapuso aktres sa kanyang pagbuyangyang.

Wala namang lumabas, muntik lang. Marami ang sinorpresa niya at kahit marami ang nang-bash, walang reaksyon at tahimik lang si boyfriend. ‘Yun ang importante.

Billy may gap sa taga-showtime?!

Marami ang umaasam pa rin hanggang ngayon na dahil nagtapos na ang Your Face Sounds Familiar Kids ay makikita na muli si Billy Crawford sa It’s Showtime.

Miss na miss na siya sa nasabing palabas. Akala ng lahat na kaya ito nawala sa popular na noontime show ay dahil nga sa kaabalahan niya sa YFSFK pero, ilang linggo na ring tapos ang palabas pero, wala pa rin siya.

Mayro’n naman sigurong karapatan ang manonood na magtanong at alamin kung bakit nawala sa IS ang isa sa pinakamagaling nitong hosts. Hindi kasi kapani-paniwala ang tsikang nagkaro’n ng disgusto ang nagsimulang child star sa dating That’s Entertainment show ng namayapang host at discoverer ni Billy na si German Moreno sa ilang mga co-host niya sa show at ma­ging kay Ogie Alcasid.

Kilalang marespeto si Billy sa kapwa niya artista at kung nagkasala man ito sa kanila ay hindi ito mahihiyang humingi ng paumanhin sa mga pinagkasalahan niya. Pero, nananatiling tikom ang bibig ng lahat, bakit?

Angelica at Carlo mas lantad na

Mukhang nagkakaroon na ng mukha ang sinasabing ikalawang romansa nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Marami sa mga dumalo sa nakaraang 33rd birthday celebration ni Carlo ang nakapansin na mas komportable na ang dalawa ngayon at malaya na nilang pinakakawalan ang kanilang mga nararamdaman, ‘di tulad ng dati na pigil pa sila.

Naiintindihan naman sila ng lahat, nauunawaan na kahit anong pagpigil nila ay lalabas at lalabas ang tunay at pinipigil na damdamin nila, lalo’t pinagsasama sila nang matagal ng trabaho nila. Kinailangan pa nilang maghiwalay para malaman na sila ang itinakda para sa isa’t isa.

Sharon may takot pa rin sa bagong relasyon ni KC

Ang ganda at talino ni KC Concepcion ang nagbibigay ng malaking takot sa ina niyang si Sharon Cuneta na hindi na ito magkaasawa at baka tatanda na lamang na dalaga.

Sa maraming failed relationships ng kanyang anak, batid ng ina na ang pagiging sobrang independent nito ang humahadlang para ipagkatiwala nito ang buhay niya sa isang lalaki.

Kaya nga, nag-aalala na naman si Sharon na baka mauwi na naman sa wala ang pinakahuling relasyon nito sa Frenchman na si Pierre Plassant na isang direktor at milyonaryo sa Paris.

Sa ngayon ay sobrang in love si KC sa dayuhang boyfriend niya.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with