^

PSN Showbiz

Anak ni John Lloyd kay Ellen, binyag na raw!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni John Lloyd kay Ellen, binyag na raw!
Ellen at John Lloyd

News headline na naman si John Lloyd at ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna dahil sa unconfirmed na balita na nagsilang ito ng healthy baby boy sa isang ospital sa Cebu.

Ginamitan  ng mga daw at raw ang mga impormasyon mula sa mga anonymous source dahil parang hindi rin yata sila sure sa mga ikinakalat nila na tsismis.

Ang sabi nila, nabinyagan na ang bata at super guwapo ito as if, nakita na nila ng personal ang panga­nay nina John Lloyd at Ellen.

Mas magiging believable ang news nila kung magkakaroon sila ng lakas ng loob na sabihin ang kanilang mga pangalan at ipakilala ang sarili.

Sa ngayon, tanging sina John Lloyd at Ellen ang may karapatan na magkumpirma o mag-deny sa balita dahil sila ang lead characters. ‘Yun nga lang, malabo na magsalita o magpainterbyu ang dalawa dahil sa ngayon, malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang privacy, lalupa’t may inosenteng bata na involved, kung paniniwalaan ang balita na nanganak na nga si Ellen.

Anak ni AiAi ayaw gumastos ng milyones sa kasal sa modelo

Last episode na pala kagabi ng Celebrity Bluff at magba-babu na tonight ang Lip Sync Battle Philippines dahil papalitan na ang mga nabanggit na programa ng The Clash sa susunod na Sabado at Linggo.

Ang The Clash ang singing competition ng GMA 7. Si Regine Velasquez ang host, kasama sina Andre Paras at Joyce Pring. Judges naman sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Sosyal si AiAi dahil ito ang guest sa finale episode ng Lip Sync Battle Philippines at kasali siya bilang hurado sa kapalit na programa, ang The Clash.

May mga offer na movie para kay AiAi pero siya ang nag-beg off dahil puno na ang schedule niya hanggang sa katapusan ng taon.

Dalawa ang regular show niya sa GMA 7, ang Sunday Pinasaya at ito ngang The Clash, katatapos lang ng shooting ng kanyang indie movie na School Service, may mga concert siya sa ibang bansa at mga probinsya at magbubukas na ang mga bagong restaurant na negosyo nila ng kanyang anak na si Sancho.

Tinutulungan din ni AiAi si Sancho sa wedding preparations nito sa December pero hindi matindi ang pressure dahil pinili ng kanyang anak ang isang simple wedding.

Nanghihinayang kasi si Sancho sa mahigit dalawang milyong piso na gagastusin para sa isang bonggang church wedding dahil mas gusto niya na paghandaan ang future nila ng kanyang fiancé na si Shanna Retuya.

Masuwerte si AiAi sa pagkakaroon ng anak na kagaya ni Sancho na mature, practical at very responsible.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with