^

PSN Showbiz

Susan hindi kumakain ng masasarap

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Susan  hindi kumakain  ng masasarap

Ang hindi kumain ng masasarap ang sekreto ng original movie queen Susan Roces kaya napapanatili niya ang pagiging faces that refreshes.

“Sabi ng doktor, lahat ng masarap tanggalin mo. Puwede kang kumain ng kahit gaano karaming seafood pero alisin ang aligi, ‘wag mong kakainin ang ulo ng hipon o wag mong kakainin ang tiyan ng bangus,” kuwento niya kahapon sa renewal niya ng contract as RiteMed ambassador for seven years now.

Turning 77 na si Tita Susan next month at in all fairness, malakas at masiglang-masigla pa rin siya. Nag-e-enjoy pa siya sa pagganap bilang Lola Flora at may mga guesting and other endorsement pa siyang ginagawa.

Anong puwede niyang ibigay na advice sa mga artista natin ngayon para maging successful ding tulad niya?

“Sa panahon ngayon mahirap magbigay ng pangaral, advice, etcetera. Especially unsolicited advice, it’s very much regretted. So I have no advice, I am not willing to give advice, I just share whatever I had gone through experience.

Pagdating naman sa issue ng depression, religion and family ang nakikita niyang solution para hindi ito maranasan ng mga taong nagiging biktima nito na umaabot sa pagkitil ng sarili nilang buhay.

Anyway sa ika-7 taon ni Tita Susan bilang brand ambassador ng RiteMed, nakatakda siyang mag-shooting ng panibagong campaign. Tagumpay ang kanyang huling ad lalo’t kung ang pagbabasehan ay ang catchy tune and lyrics ng commercial na siya mismo ang kumanta. Alam halos ng bawat Pinoy ang nasabing jingle na nagbigay ng matinding awareness sa maraming tao na may gamot na mura pero de kalidad ang pagkakagawa.

At dahil  birthday ni Tita Susan next month, may mga naka-schedule silang medical mission.

Sarah at Daniel itutuloy na raw

Ang cute ng pictorial nina Sarah Geronimo, Xian Lim and James Reid for Miss Granny (20 Again).

Parang ang saya sa pictorial pa lang kaya hinuhulaang magi­ging box office hit ito. Si direk Joyce Bernal ang naghandle ng pelikula na Pinoy adaptation ng Korean hit movie na nagkaroon nang iba’t ibang version.

After this movie ay sinasabing may planong pagtambalin sina Sarah and Daniel Padilla sa isang movie project.

Samantala, bukod sa shooting pa ng Miss Granny (20 Again), hahataw din si Sarah sa This 15 Me concert sa SMX Convention Cen­ter Lanang, Davao City sa June 30.

For inquiries please contact (0998) 964 4585.

Bahagi pa rin ito ng kanyang anniversary celebration sa showbiz na unang ginanap sa Araneta Coliseum at nagkaroon din ng US Tour na lahat punuan ang venue

Isa rin si Sarah sa magiging performers sa coronation night ng Miss Manila 2018 na gaganapin sa June 26, sa PICC Reception Hall.   

vuukle comment

DANIEL PADILLA

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with