^

PSN Showbiz

Naudlot na career ng misis ni Alfred, bubuhayin sa billboard!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Naudlot na career  ng misis ni Alfred, bubuhayin sa billboard!

Natuwa naman ako sa balita na effective na endorser ng Kamiseta Skin Clinic si Yasmine Espiritu Vargas, ang better-half ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Tuwang-tuwa ang may-ari ng Kamiseta sa mga sinasabi ng pasyente na type nila na gawin din sa kanila sa nasabing clinic ang mga beauty treatment kay Yasmine.

At dahil effective na endorser ang misis ni Alfred na hindi naman showbiz personality, asahan natin ang paglitaw ng mga Kamiseta billboard niya sa Edsa sa mga susunod na araw.

Actually, muntik nang maging artista si Yasmine noong dalaga pa ito dahil inalok siya na maging contract star ng isang sikat na talent management agency pero naging priority niya ang pag-aaral sa Italy.

Nakilala na rin noon ni Yasmine si Alfred na hindi na siya pinakawalan. Hindi nagkamali si Yasmine na piliin na maging Mrs. Alfred Vargas siya dahil mas maligaya siya ngayon bilang contented wife at happy mother ng dalawang cute na batang babae.

Nakakabilib si Yasmine dahil hands on mother siya. May mga kasambahay sila pero hindi niya ipinauubaya sa iba ang pag-aalaga kay Alfred at sa kanilang mga anak na sina Alexandra at Aryana.

Para madaling tsugiin ‘pag nag-inarte, Luka-lukang aktres special participation lang ang role sa bagong serye!

True na kasali sa isang teleserye ang aktres na kontrobersyal pero special participation lang ang kategorya niya.

May reputasyon na nagluluka-lukahan ang aktres kaya natakot ang production staff na bigyan siya ng role na mahaba.

Special participation na hindi gaanong importante sa kuwento ng teleserye ang ibinigay sa aktres para madaling patayin ito kapag sinumpong siya ng pagkaluka-luka.

Iba na ang panahon ngayon dahil hindi na tino-tolerate sa entertainment industry ang mga artista na may prima donna attitude at hindi propesyonal.

Marami ang mga aktor at aktres na magagaling umarte, mababait, coope­rative at  naghihintay na mabigyan ng trabaho kaya hindi na uso ang mga artista na nagbibigay ng problema sa production staff at cause of delay sa  mga taping at shooting.

 Never…. ng JaDine walang bad reviews!

Tuwang-tuwa ang JaDine love­team dahil pinupuri ng mga film critic at ng moviegoers ang acting na ipinakita nila sa romantic drama movie ng Viva Films.

In all fairness, walang negative reviews tungkol sa Ne­ver Not Love You kaya nadagdagan ang viewers na-curious sa mga papuri sa mga performance nina James Reid at Nadine Lustre. Pagkatapos panoorin ang pelikula, agree sila na deserving ang mga bida ng Never Not Love You sa natatanggap na praises.

 Second week na sa mga sinehan ang Never Not Love You pero masipag na masipag pa rin sina James Reid at Nadine Lustre sa pagpo-promote ng kanilang pelikula.

Ganado ang dalawa na mag-promote ng critically-acclaimed movie nila dahil sa mga bonggang feedback na kanilang  naririnig at nababasa.

vuukle comment

YASMINE ESPIRITU VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with