^

PSN Showbiz

Marvin hindi pa nahahanap ang aasawahin

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng dating ka-loveteam na si Jolina Magdangal, mata­gumpay ding nakabalik sa Kapamilya Network ang actor and successful restaurateur na si Marvin Agustin matapos itong mamalagi sa loob ng maraming taon sa GMA at ilang taon sa TV5.

Kapag hindi abala si Marvin sa kanyang showbiz career ay nakatutok siya sa kanyang restaurant business (with his partners) na parami nang parami na and they’re now into franchise.

Who would ever think na ang isang ordinaryong waiter/barista lamang noon ay isa na ngayon sa pinaka-successful restaurateur/entrepreneur?

Kung tutuusin, puwede nang bitawan ni Marvin ang kanyang pagiging isang actor at mag-focus na lamang siya sa kanyang mga negosyo pero sadyang mahal ni Marvin ang mundong kanyang pinagmulan.  Sa kabila ng kanyang pagiging isang matagumpay na negosyante, hinahanap-hanap pa rin niya ang acting job na kanyang kinamulatan.

At 38, wala na sigurong mahihiling pa si Marvin dahil patuloy ang kanyang pamamayagpag bilang restaurateur pero may kulang pa rin dahil wala pa siyang sariling pamilya although meron na siyang dalawang teen-age twin sons na sina Santiago at Sebastian Agustin.

Hindi pa siguro natatagpuan ni Marvin ang ideal woman na gusto niyang iharap sa dambana.

Ian nakasingit sa Encantadia

Masaya ang actor na si Ian de Leon dahil nakapasok siya sa top-rating fantasy TV series ng GMA, ang Encantadia bilang guest and he will be portra­ying the role of Keros.

Pangarap ni Ian na makagawa siya ng isang serye tulad ng kanyang amang si Christopher de Leon at mga kapatid na sina Lotlot at Matet de Leon na pare-parehong in-demand hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.

At 41, may sarili na ring pamilya si Ian matapos niyang pakasalan in July 2015 ang kanyang longtime non-showbiz girlfriend na si Jennifer Orcine.  Ang mag-asawa ay meron na ring isang anak, ang more than one-year-old na si Jaden.

Aiai nasulit ang area

Sulit ang paggawa ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas ng kanyang first indie movie na Area na dinirek ni Louie Ignacio dahil ito ang kauna-unahang proyekto na nakapagbigay sa singer-comedienne ng first international recognition bilang actress matapos niyang makuha ang Best Female Actor sa recently-concluded 7th Queens World Film Festival sa New York, USA.  Bukod pa ito sa nakuhang Special Jury award mula naman sa 12th Eurasia International Film Festival na ginanap sa Kazakhstan noong nakaraang September 20, 2016.

Kung ang bestie niyang si Eugene Domingo ay minamani lamang ang pagtanggap ng Best Actress award mula sa iba’t ibang international giving-body, ngayon ay lubos nang nauunawaan ni AiAi ang pakiramdam ng isang nananalo sa isang international film festival.

vuukle comment

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with