^

PSN Showbiz

Anak nina Cesar at Sunshine pasado sa interbyu ni Boy Abunda

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang si Sunshine Cruz ang masaya sa ginawang pagpasok ng kanyang anak na si Angelina Cruz kundi dapat ay si Cesar Montano rin. After ma-appoint ni President Rody Duterte para sa isang mahala­gang posis­yon sa isang sangay ng DOT, isa pang anak niya, bukod kay Diego Loyzaga ang artista na rin. ‘Di ba isang karangalan niya ito, lalo’t malaki naman ang posibilidad na sumikat din ang mga anak niya?

Kahit sa pagkanta ang focus ni Angelina, pasasaan ba’t mag-aartista rin ito katulad ng kanyang mga magulang.

Very shy si Angelina sa unang pagsa­lang niya sa interview with Boy Abunda, pero obvious na nilalabanan niya ito para matanggap ng publiko. Nasagot niya nang maayos ang lahat ng tanong ng King of Talk  at arti­culate naman siya sa lenggwahe ni Uncle Sam. Magiging pride siya ng kanyang mga magulang.

Daniel panay football, limot na agad si Erich

Bukod sa magandang partisipasyon sa bagong programa ng ABS-CBN na I Can Do That, aktibo rin si Daniel Matsunaga sa paglalaro ng football. Miyembro pala siya ng Team National na nanalo sa laban kamakailan para ma­ging kinatawan ng bansa ang grupo niya sa isang international competition sa Brazil. Kaya naman pala madali siyang nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Erich Gonzales. Sayang at malabo na ang balikan nila ng aktres dahil mismong mga magulang na ni Daniel ang against dito. Nasaktan talaga sila sa insinuation na pera ang na­ging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Nagbigay ng impresyon sa marami na pati ang pamilya ni Daniel ay nagsamantala sa aktres.

Sa ganitong senaryo, paano pa magkakaro’n ng balikan?

Bianca at Miguel bawal sa halikan

Isa sa inaalagaang loveteam ng Kapuso Network ay ang tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ma­rami na silang nagawang proyekto na magkasama na pawang naging matatagumpay naman. Sa paglipas ng panahon ay lalong nagiging malapit sila sa isa’t isa na parang may something, pero sinabi ni Bian­ca na magkaibigan lamang sila. Lubhang napakabata pa ng dalawa para magkaroon ng relasyon. Seventeen lang si Bianca. Bukod sa kanilang friendship, pinahahalagahan nila ang kanilang edukasyon. Gusto ng dalawa na makatapos ng pag-aaral kasabay ng kanilang pag-aartista.

Nasa high school pa si Bianca sa isang home study program samantalang second year na sa kursong entrepreneurship sa De La Salle University Dasmariñas si Miguel.

Marami nang ginawang proyekto na tumatalakay sa young romance ang BiGuel, pero GMA is ma­king sure na lahat ng gagawin nila ay purely wholesome at nababagay sa kanilang edad. No to kisssing scene sila at ni smack ay bawal which makes the two feel more comfortable sa isa’t isa.

Wala nga namang ilangan kung magkaibigan lamang sila at hindi nagliligawan. Makikita ang kanilang loveteam sa Mulawin vs. Ravena.

Baguhang singer-actress tagumpay sa paggamit sa JaDine!

Kahit saang anggulo ko tingnan, mukhang pumapabor sa isang nagsisimulang artista/singer ang pagsasabi ng pagkakagusto niyang makasama sa proyekto si James Reid and in the process ay nakukumpara siya sa ka-loveteam nito na si Nadine Lustre.

Nakakakuha nga naman siya ng interes sa subtle na paggamit sa JaDine. Kung mas maganda, mas sexy, at mas magaling siya sa ka-loveteam ni James, eh bakit kailangan pa niyang tumuntong sa tinutuntungan ng dalawa para siya makakuha ng mileage?

vuukle comment

ANGELINA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with