^

PSN Showbiz

Solenn nagimbal sa ginawa ni Gabbi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa muling pagpapalabas ng Encantadia, ibabalik ni Aquil (Rocco Nacino) ang kanyang baluti, at hihilingin na mabawi ang espadang minana sa ama.

Hihilingin ni Pirena (Glaiza de Castro) kay Amihan (Kylie Padilla) na bisitahin siya ni Mira (Kate Valdez).

Ipagtatanggol ni Muros (Carlo Gonzalez) si Aquil mula sa isang kawal na may galit dito. Matunton ng mga Hathor si Helgad at ang sanggol na si Deshna.

Ipagtatanggol ni Alena (Gabbi Garcia) ang mga Nymfas. Pupuntahan ni Mira si Pirena sa hiling ni Amihan. Ibibigay ng mga Nymfas si Deshna kay Alena.

Magigimbal si Cassiopea (Solenn Heussaff) sa mga mangyayari sakaling ibalik ni Alena ang sanggol kay LilaSari. Susumbatan ni Mira si Pirena sa pagnanais nitong maging ina ngayon.

Magagalit naman si Hagorn (John Arcilla) na hindi pa rin natatagpuan ng mga Hathor ang kaniyang anak.  Malungkot si Lira (Mikee Quintos) na hindi pa rin magawang patawarin ni Mira si Pirena.

Mapuputol ang paglalakbay ni Alena patungong Lireo sa paghaharang ni Cassiopea.

Hihilingin ni Cassiopea kay Alena na ilayo si Deshna kay LilaSari (Diana Zubiri). Unti-unti nang lumalambot ang puso ni Pirena kay Lira.

Malalaman ni LilaSari na patuloy ang paghahanap ni Hagorn sa kanilang anak.

Malalaman nina Danaya (Sanya Lopez) at Muros na si Agane (Rochelle Pangilinan) ang nagnakaw sa anak ni Hagorn.

Ipapakita ni Cassiopea kay Alena ang mga mangyayari sakaling mahawakan muli ni LilaSari ang kaniyang anak. Mahuhuli ni LilaSari na kausap ni Cassiopea si Alena.

Makatatakas si Alena bago pa man makita ni LilaSari ang sanggol na kalong niya. Mahuhuli ni Gurna (Vaness del Moral) si Alena. Makatatakas na si Pirena sa kaniyang pagkakagapos.

Susubuking kunin ni Gurna ang sanggol na hawak ni Alena, pero darating si Cassiopea para tulungan si Alena.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with