^

PSN Showbiz

Inah naiyak sa ginawa ni Jake

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng Oh, My Mama sa GMA-7, dadalhin sana si Julio (Jake Vargas) sa ospital pero ayaw nito, at tumayo na lang para yayain si Maricel (Inah de Belen) na sumakay na rin sa delivery truck nila.

Para namang nakita ni Zach (Jeric Gonzales) si Maricel pero sinabi ni Patricia na dahil sa kaiisip kay Maricel kaya akala ni Zach ay nakita niya ito. Napaiyak si Maricel dahil pinalampas niya ang chance para magpatulong kay Zach. Naaawa naman si Julio pero hindi na lang ito magpapahalata. Nang nakita ni Maricel na may sugat pala sa kamay si Julio, pinahid na agad ang mga luha at nataranta para gamutin ang sugat ni Julio.

Na-touched si Julio sa ginawa ni Maricel, pati sa sinabi nito na inaalala rin ni Maricel ang mga bata kaya hindi na pinili ang magpatulong kay Zach.

Samantala, galit na sinabi ni Robert (Yul Servo) na wala siyang anak kay Julia at sinabi sa guard na palabasin na sina Gordon (Epy Quizon) at Inday (Gladys Reyes). Pero na-convince ni Inday si Gordon na huwag pairalin ang galit at pride, kailangan i-try pa rin nilang mapakiusapan si Robert na tumulong sa paghahanap kay Maricel dahil siya naman daw ang ama. Nakapasok uli sa venue sina Gordon bilang mascots. Nakalapit uli ang dalawa kay Robert at nakiusap na naman para kay Maricel. Sinuntok na ni Robert si Gordon kaya tarantang umawat si Inday at sinabing aalis na lang daw sila. Nakita rin ni Zach ang nangyari kaya lumapit ito at agad na tumulong. Nakita na rin niya in person si Robert Reyes na ina­kalang ama talaga ni Maricel. Dumating sina Efren at Patricia at nakita ang pangyayari. Inis na umalis si Robert. Efren talked to Gordon alone at sinabihang gagawa siya ng paraan as owner of the event para huwag masampahan ng demanda sina Gordon. Pero sa isang kundisyon, gawan ng paraan ni Gordon para hindi na madamay si Zach sa problema kay Maricel.

Abangan ang marami pang rebelasyon sa Oh, My Mama gabi-gabi sa GMA-7.

 

vuukle comment

INAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with