^

PSN Showbiz

Unang concert ng T.O.P, matagumpay

SOUNDS FAMILIAR - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagumpay na idinaos ng 30th PMPC Star Awards for Music Group of the Year na T.O.P. (Top One Project) ang ka­nilang pinaka-una at sold-out concert na pinamagatang T.O.P. in Concert sa Music Museum. Pinatunayan ng grupong binubuo nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba  ang kanilang kakayahan bilang performers.

Mula sa genre ng RNB, Pop Rock at hanggang sa mga jukebox hits noong 90’s ay gumawa sila ng sarili nilang bersyon na ikinabilib ng mga manonood. Kinilig at nakisabay din ang kanilang fans nang kantahin nila ang Paggising at Ala­ala, dalawa sa mga paboritong kanta sa kanilang self-titled album sa ilalim ng GMA Records.

Guest ng T.O.P. ang Kapuso bombshell na si Kim Domingo na kasabay nilang kumanta ng Closer ang kantang pinasikat ng EDM Duo na The Chainsmokers. Sumama rin sa kanila sa stage ang Rock N’ Soul diva na si Aicelle Santos at ibinirit ang mga pinasikat na kanta ng OPM rock band na Aegis.

Napanatili ng grupo ang mataas na energy sa venue at tinapos ang concert nang nagpapasalamat sa kanilang mga mentors sa To The Top, ang reality search ng GMA Network na nagbigay sa kanila ng pagkakataong tuparin ang kanilang pangarap. Naghandog sila ng kanta para sa mga beteranong gumabay sa kanila habang nasa kompetisyon.

Nangako rin ang T.O.P. sa kanilang mga fans na patuloy silang mag­sisikap para mapasaya ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.

vuukle comment

PMPC STAR AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with