^

PSN Showbiz

Andi ayaw nang pag-usapan si Jake?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa dami ng mga naging kaganapan sa pagkakatuklas kay Jake Ejercito bilang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, walang narinig na anumang reaksyon mula sa aktres. Napaaway na ang kanyang inang si Jaclyn Jose na malaki ang naging role sa pagpapalaki kay Ellie pero tikom pa rin ang bibig nito.

Pero dahil sa ipinost nito sa kanyang social media account ang lara­wan nila ng bagong la­laking nauugnay sa kanya na nagngangalang Emilio Arambulo ay kinakawawa ng marami ang lalaki dahil hindi raw ito kasing guwapo ng mga ex ni Andi.

Paolo blessing ang suspension

Pinakamaganda at pinaka-memo­rable na marahil na suspensyon ang tinanggap ni Paolo Ballesteros mula sa Eat Bulaga ilang buwan na ang nakakaraan. Dahil sa pagtigil ng trabaho niya sa napakatagal nang programa nina Tito Sotto, Vic Soto & Joey de Leon ay nagkaroon siya ng pagkakataong makagawa ng pelikulang nagbigay sa kanya ng Best Actor award sa Tokyo International Film Festival para sa Die Beautiful.

Ginampanan niya ang role ng isang transgender na hanggang sa kamatayan ay gustong maging maganda. Pinalakpakan siya nang husto ng audience dahil in character siya nang dumalo sa awards night at tanggapin ang kanyang award. Nanalo rin ang pelikula niya ng Audience Choice Award.

Vivian Velez mas gustong maging chairman ng MTRCB?!

Hinahangaan ko si Vivian Velez dahil siya marahil ang nag-iisang suppporter ni President Rody Duterte na tumanggi sa alok nitong makasama sa kanyang gob­yerno. Tinanggihan ng beteranang aktres ang alok na mapabilang sa Board ng Mo­vie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Tumanggi rin kaya siya kung ang chairmanship ang inalok sa kanya?

Enzo maglaladlad na sa paglipat ng network

Naunahan pa ni Enzo Pineda ang maraming Kapuso ar­tist na makapag-transfer ng ABS-CBN. Napapanood na siya sa Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre bilang isang closet gay.  

Kung ang character ni JC Santos ay hindi matanggap-tanggap ng kanyang ama na isang heneral, ano kaya ang nakatakdang maging reaksyon ng mga magulang ni Enzo kapag nalaman na isa rin siyang bakla?

Bukod sa TV, kasama ang ex-Kapuso sa isang movie starring Coleen Garcia, Arci Muñoz, and Jessy Mendiola. Sila nina Ejay Falcon at Vin Abrenica ang makakapareha ng tatlo, sa Extra Service ni Chris Martinez.

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with