^

PSN Showbiz

Young actress pasisikatin ng network kahit mukhang katulong!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi na talaga maawat ang tuluy-tuloy na pag-alagwa ng BG Productions ni Baby Go dahil taun-taon ay ang daming nagagawa nilang indie films.

Ngayon ay naglunsad sila ng bagong talents na idi-develop at gagamitin sa mga pelikulang ipu-produce.

Ilan sa mga standout sa sampung bagong mukha kahapon ay si James Robert na nagpaka-daring na agad sa pelikuang Balatkayo, at ang stage actor and writer na si Alexis Yasuda.

Bida na rin sa pelikulang Child Haus si Erika Yu, at siya ang susunod na ilu-launch ng kumpanya.

PAK: Bibigyan ng malaking chance ang young actress na inilunsad ng TV network. Hindi siya sumikat sa unang TV network na naka-disco­ver sa kanya, pero ngayong lumipat siya ay mukhang magkaka-career na ito.

Nalaman namin sa aming reliable source na kaya siya kinuhang bida sa bagong drama series ay dahil bagay daw ang mukha niya sa role ng isang kasambahay. Mataray ang ibang bading na nagsasabing mukhang katulong nga raw ito kaya siya kinuha.

Maganda lang daw ang young actress kapag may make-up. Pero kapag light lang ang make-up, sobrang simple lang ang mukha at puwede raw mapagkamalang seksing katulong.

BOOM: Unang napabalita na hindi na itinuloy ang pagkuha kay Ellen Adarna bilang bida sa pelikulang The Escort ng Regal Films.

Pero ang totoong nangyari pala, si Ellen daw mismo ang tumanggi dahil ang palusot niya, “I’m not mentally prepared.”

Naloka raw ang production staff ng naturang project dahil hindi raw nila ma-gets ang sinasabi niyang “mentally prepared”. Pero pagkatapos niyang tanggihan, nasa Siargao ito at nagpapakasarap kasama si Baste Duterte.

Ang buong akala nga nila, magdyowa na ang dalawa. Pero kaibigan daw ni Ellen ang kasaluku­yang girlfriend ni Baste.

Pero posibleng nagkatikiman kaya sila? “Ay ewan ko lang!” mabilis na sagot nga aming source.

May ibang project din daw na tinanggap si Ellen. At sa pagkakaalam namin, si Lovi Poe na ang kinuha para magbida sa The Escort na ididirek ni Enzo Williams.

vuukle comment

RICHARD GUTTIEREZ

RUFFA GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with