^

PSN Showbiz

Gabby gustong totohanin ang panliligaw kay Carla!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dumikit na kay Gabby Concepcion ang tawag na “Boss Yummy” na tawag sa kanya ni Carla Abellana sa Because Of You, ang rom-com series na pinagtatambalan nila sa GMA 7. Kuwento nito, kahit saan siya magpunta ngayon, ‘yun ang tawag sa kanya.

Nang mag-show siya sa Cebu kamakailan, sa tsikahan portion ay may mga sumigaw ng “Boss Yummy.” May teenagers sa au­dience na nang tanungin kung bakit sila nanonood ng kanilang ser­ye, ang sagot ay dahil gusto nilang makita si “Boss Yummy”.

Sabi naman ni Carla, idea ni direk Mark Reyes ang “Boss Yummy,” wala raw sa script ‘yun at hindi nila aka­laing magkiklik sa televiewers. Pati sa social media, ginagamit na rin ang hashtag na ito.

Na-tweet pala namin ang sinabi ni Gabby na kung wala lang siyang asawa at walang BF si Carla ay posibleng ligawan niya at maging sila ng aktres. Dagdag pa nito, ang ganda raw siguro ng magiging mga anak nila.

Heto pa, nagpaalam na siya kay Rey Abellana na liligawan si Carla at sa magiging kissing scene nila sa Because Of You. Pero bumawi si Gabby na nagbibiro lang siya, kaya walang dapat ikabahala ang BF ni Carla. O, ‘di ba, ibinuking pa ni Gabby na may nobyo na si Carla na hindi nila ina­amin ni Tom Rodriguez.

Pinag-react namin si Carla sa nabanggit ni Gabby na liligawan siya nito kung wala itong asawa at wala siyang BF.

“I’m flattered, at least, coming from him. Sa kissing scene naman, wala pa sa script. Siguro sa mga susunod na episodes at kakayanin naman. Part ‘yun ng trabaho.”

Sen. Bongbong anak na lang ang gagawing endorser

Wala pang celebrity endorser si Sen. Bongbong Marcos na tatakbong vice president at katiket ni Sen. Miriam Santiago. Ang suggestion ng entertainment press, ang eldest son nila ni Mrs. Lisa Araneta-Marcos na si Sandro Marcos ang kunin nila.

Guwapo, articulate, at malakas ang appeal ni San­dro at mas kilala niya ang ama kesa kung kukuha ng celebrity endorser. Pero, bumalik na ito sa London last Monday para ipagpatuloy ang pag-aaral ng International Politics and Economics sa University of London. Graduating na siya at babalik ng bansa sa April, at puwede na siyang makatulong sa kampanya ng ama.

Andre baby na ang tawag kay Barbie!

Nag-first day taping na ang That’s My Amboy last Monday, pero si Barbie Forteza pa lang ang sumalang. Wala pang eksena si Andre Paras, pero may pinalalabas na short teaser ng dalawa na gaganap na sina Bryan at Maru. Sa January 25, ang pilot ng rom-com series sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

“Baby” na pala ang tawag ng kanyang fans kay Barbie, pati ang AnBie fans nila ni Andre mula nang matawag siya ng binata sa Sunday PinaSaya.

Curious kami kung ano naman ang tawag ni Andre kay Yassi Pressman na ka-love team niya sa Girl For Hire ng Viva Films. Sweet din ang dalawa at may tsika ngang may lihim na silang relasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANDRE PARAS

ANG

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BECAUSE OF YOU

BONGBONG MARCOS

BOSS YUMMY

CARLA

NBSP

NILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with