^

PSN Showbiz

Napakahilig kasi at magnet ng mga babae... Misis ng makarismang aktor parang undercover sa matinding pag-iimbestiga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi masisisi ng isang guwapo at makarismang aktor kung bakit palaging inaatake ng pagkaselosa ang kanyang misis. Masyado kasi siyang marupok.

Madali siyang mahulog sa tawag ng panandaliang kaligayahan. Napakarami na niyang pinagdaanan sa ganu’ng larangan at alam ‘yun ng maganda niyang misis.

Ngayong sila na ang magkasama ay iniingatan na ng babae ang dating mga ginagawa ng kanyang mister, palagi itong nakatutok, parang doberman ang magandang babae sa pagbabantay sa mga aktibidad ng kanyang mister.

Tawa nang tawang kuwento ng aming source, “Naku, nu’ng kabataan pa ni ____(pangalan ng makarismang aktor), kahit saan, puwede na. Para siyang rabbit. Napakahilig talaga ng lalaking ‘yun!

“Kahit sa taping, sa shooting, sa likod ng mga kurtina, nakakalusot ang taong ‘yun! Napakahilig niya talaga, napakataas ng libido niya!”

Nakakailang karelasyon na nga ba ang simpatikong aktor? Nagkaasawa na siya ng aktres, nagka-girlfriend ng isang young actress, nagkaroon din sila ng relasyon ng isang aktres na hiwalay sa mister.

Napakarami na nga palang dapat katakutan ang kanyang misis ngayon. Kahit pa napakaganda na ng kanyang kumander ay hindi pa rin garantiya ‘yun na hindi na titikim ng ibang putahe ang aktor.

Kuwento uli ng aming source, “Talagang nasusundan siya ng wife niya. Ano nga naman ang ginagawa ng GPS, may lusot ba siya du’n? Matindi ang natagpuan niyang babae, parang undercover, matinding mag-imbestiga!”

Kung bakit naman kasi kahit lantad na sa buong mundo na pamilyado na ang guwapo at makarismang aktor ay wala pa ring pakialam ang mga kababaihan. Meron nga ba kasi silang gustong diskubrehin tungkol sa male personality?

“Isisi n’yo ‘yan sa mga istoryang lumalabas tungkol sa kanya. Urban legend na rin kasi ang dating ng kalat nang kuwento tungkol sa binti ng sanggol na nasa pagitan ng mga hita niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kaya nakakapagmaldita na Maine kulang na kulang sa tulog at pahinga

Iba ang tulog sa gabi. Puwede namang bumawi ng tulog sa araw ang mga nagpupuyat pero ibang-iba pa rin ang magdamagang tulog na nakasanayan na.

Kahit busog, basta kulang sa tulog, asahan na ang pagbabago ng timpla ng katawan at temperamento. Ganu’n siguro ang nangyayari ngayon kay Maine Mendoza dahil sa dami ng kanyang trabaho.

May kalyeserye siya araw-araw, may kaliwa’t kanang TVC shoot, may taping pa siya para sa Princess In The Palace at marami pang ibang kompromiso na kailangan niyang tuparin at puntahan.

Kundi aalagaang mabuti ni Yaya Dub ang kanyang katawan ay mauuwi sa wala ang lahat ng kanyang mga pinagpapaguran. Huwag na niyang bigyan ng pagkakataon ang pagpapasakit, iidlip siya kung kailangan habang bumibiyahe siya, tutal naman ay traffic capital of the world ang estado ng ating mga lansangan.

At kapag kulang sa tulog at pahinga ang isang tao ay nagbabago ang kanyang mood. Hindi maikakaila ang pagkairitado, ang pagiging tulala paminsan-minsan, du’n na pumapasok ang mood swing.

Puwedeng ‘yun ang totoong dahilan kung bakit may mga panahong parang hindi namamansin si Yaya Dub, suplada na raw at nagmamaldita, pero ang totoo ay nagmamakaawa ng tulog at pahinga ang kanyang katawan.

Minsan ay narinig naming sinabi ng isang magaling na direktor, “Kailangang i-pack-up ang mga artista sa panahong puwede pa silang magkaroon ng masarap na tulog at pahinga.

“Kaso, ipa-pack-up sila ng production nang umaga na, after lunch, trabaho na naman. Hindi na sila mapapakinabangan! Walang magaling na artista kapag kapos sa pahinga at tulog!”

Oo nga naman.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

KAHIT

KANYANG

MAINE MENDOZA

MGA

NAPAKAHILIG

NAPAKARAMI

PRINCESS IN THE PALACE

TULOG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with