^

PSN Showbiz

Matapos atakihin sa Korea, dating aktres na si Amalia Fuentes nailipad na ng ‘Pinas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakabalik na raw ng bansa ang dating aktres na si Ms. Amalia Fuentes matapos atakihin sa Korea kamakailan.

Kuwento ng isang tumawag na may alam sa kuwento, nakauwi na raw ito pero medyo in bad shape daw dahil nilagyan na ng tube.

Ang worry lang daw ng ibang mga kaibigan nito ay kung sino ang mag-aalaga sa dating aktres dahil lumayas na pala ang ampon nito matapos umanong mag-asawa.

Eh kabebenta lang daw pala nito (Amalia) ng property sa Forbes, as in sobrang yaman naman pala ng dating aktres kaya naman daw siguro namamasyal ito sa Korea.

Pumunta na raw ang dalawang apo ng aktres kay Albert Martinez at namayapa nitong asawang si Liezel.

Maaalalang nagkaroon ng matinding isyu kina Albert at Ms. Amalia nang sumakabilang buhay si Liezel dahil sa cancer dahil umano’y inilihim sa dating aktres ang detalye ng lamay ng anak na si Liezel.

Hindi pa nakakaisang taon simula nang mawala ang anak ni Ms. Amalia na si Liezel. Sabi ni Albert sa isang interview ay hindi pa raw siya nakaka-move on sa pagkamatay ng asawa.

Angel makakapiling si Coco

Nag-renew na ng kontrata sa ABS-CBN si Angel Locsin kahapon.

Balita ni Angel makakasama niya si Coco Martin sa isang project at mag-uumpisa na siya para sa isang primetime series.

Matagal-tagal na ring walang trabaho si Angel after ng Legal Wife.

Mauunang ipalabas ang pelikula niya with her future mother-in-law Gov. Vilma Santos and Xian Lim. Opening salvo raw ito ng Star Cinema.

Marian todo buyangyang na kay Maria Letizia

Hindi nagdalawang-isip ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na sumalang sa pictorial ng isang magazine kahit pa nakalabas ang kanyang tiyan. Say ng Primetime Queen, kung mayroon daw isang bagay na masasabi niyang proud siya, ito ay ang pagiging isang ina. At ilang linggo na nga lang ay masisilayan na nila ni Dingdong Dantes ang kanilang unica hija si Maria Letizia.

In all fairness kay Marian, parang tiyan niya lang ang lumubo. Hindi siya gaanong tumaba at walang mantsa ang katawan.

Mga batang naka-Halloween costume, 50% discount sa Star City

Magkakaroon ng napakasayang selebrasyon ng Halloween sa pinakasikat na amusement park sa bansa bukas. 

Bubuksan na muli ang kilalang horror attraction na Gabi ng Lagim sa ikalawang palapag ng Star City. Mga bagung-bago at kakila-kilabot na panggulat tulad ng mga multo sa haunted house, mga manananggal, exorcism, madilim na sementeryo, at iba pang panakot na idinsensyo ng creative team gamit ang pinakabagong teknolohiya ang paaandarin upang garantisadong mapasigaw sa takot ang mga dadaan sa loob.

Ang mga batang may edad 12 pababa na darating sa Star City nang naka-Halloween costume ay bibigyan naman ng 50% discount sa mga ride-all-you-can ticket.  

Pagdating ng alas-otso ng gabi, walang patid na tugtugan naman ang yuyug­yog sa mga bisita pagsampa sa entablado ng kilalang bandang 6 Cyclemind.

Para sa karagdagang detalye, tumawag sa telepono bilang 832.3248 o 333.3578.

                                                                              

vuukle comment

ALIGN

ANG

LEFT

LIEZEL

MARIA LETIZIA

MGA

MS. AMALIA

NBSP

QUOT

STAR CITY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with