^

PSN Showbiz

Mga artista ng GMA binawalang rumaket sa eleksiyon!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ilan pa sa mga taga-showbiz na nadagdag sa talaan ng mga nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy ay si Alma Moreno na kakandidatong senador.

Very visible si Alma sa mga lugar na inikutan ni Vice President Jejomar Binay. Active siya sa pagsuporta sa naturang presidentiable.

Kahapon ay nag-file rin ang dating beauty queen na si Daisy Reyes na tatakbong alkalde ng Pateros. Nakadalawang term na rin yata si Daisy bilang konsehal ng naturang lalawigan.

Kahapon din nag-file si Lani Mercado na kakandidatong alkalde ng Bacoor, Cavite dahil sa Congress naman ang tungo ng incumbent mayor na si Strike Revilla.

Hindi naman nagkomento si Lani sa tungkol sa kumakalat na kuwentong tatakbong Vice President daw si Sen. Bong Revilla. Wala raw siyang balita tungkol diyan.

PAK: Pinutakti naman ng bashers ang ilang artistang nagbigay ng suporta sa mga tatakbong pulitiko.

Sinamahan ni Angel Locsin ang tiyuhin niyang si Neri Colmenares na congressman ng Bayan Muna party-list.

Ang mag-asawang direk Paul Soriano at Toni Gonzaga ay nagbigay din ng suporta sa Vice Presidentiable na si Sen. Bongbong Marcos dahil sa ninong ito sa kanilang kasal at close raw si Sen. Bongbong sa ama ni direk Paul.

Kaya maingat ang GMA 7 sa mga artista nilang susuporta sa mga kandidato. Hindi ina-allow ang mga taga-GMA Artist Center na sumuporta o mangampanya sa isang kandidato.

Ang number one na iniingatang ma-link sa mga pulitiko ay si Alden Richards na tambak ang mga offer mula sa mga kilalang pulitiko na suportahan sila.

BOOM: Ayaw kaming sagutin ng kilalang designer kung totoong minalditahan siya ng asawa ng isang pulitiko.

Minsan daw kasi ay isinama si designer ng kaibigan niyang kilalang celebrity sa dinner ng pamilya nitong pulitiko.

Harap-harapang sinabi raw ni kilalang celebrity sa kilalang pulitiko na dinidedma nito si designer kapag nagkikita sila sa ilang events kasama ang isa ring kilalang pulitiko. Nag-sorry naman si pulitiko na sinabihan ni celebrity. Pero narinig ito ng asawa ni pulitiko na lehitimong maldita. Ngingiti-ngiti lang daw si dyowa ni pulitiko. Pero nang sumunod na araw, nakatanggap daw ng cake si designer mula sa dyowa ni pulitiko. Ang nakalagay sa cake ay ang pangalan ni designer na karugtong ang apelyido ng kilala ring pulitiko na mahigpit na kalaban ng dyowa ng pulitiko. Ibig sabihin, keber ng dyowa ng pulitiko kung doon na sa pulitikong kalaban nila ang designer.

Kinulit namin si designer kung totoo ba ito, pero dedma lang siya at ayaw niya itong sagutin.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALMA MORENO

ANG

ANGEL LOCSIN

ARTIST CENTER

BAYAN MUNA

BONG REVILLA

BONGBONG MARCOS

CERTIFICATE OF CANDIDACY

MGA

PULITIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with