^

PSN Showbiz

Nadiskubre ni AiAi: Sustento ng hapong ama ni Jiro hinarang ng kanyang lola

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Aktor nababaliw na, kaluluwa niya lumabas daw sa usok

PIK: Aminado si Ryzza Mae Dizon na mami-miss niya ang paghu-host niya sa The Ryzza Mae Show dahil nakasanayan na raw niya at parang naglalaro lang siya rito.

“Araw-araw po na live, tapos ‘yung pagkain. Tapos ‘yung mga guest ko po na may tinuturo sila na iba-iba.

“Pero gusto ko naman po magteleserye kasi gusto ko rin po mag-acting,” pahayag ni Ryzza Mae.

Sa Lunes, September 21 bago mag-Eat Bulaga na magsisimula itong serye niyang Princess in the Palace kung saan makakasama niya sina Aiza Seguerra, Eula Valdez, at marami pang mga bigating support na ididirek ni Mike Tuviera.

PAK: Hindi natuloy si AiAi delas Alas sa pagdalaw kay Jiro Manio sa rehab kahapon dahil wala roon ang doktor na nag-aasikaso sa dating child actor.

Ang gusto ni AiAi, kasama ang doktor sa pakikipag-usap kay Jiro para sabihin kung ano ang nangyari sa pagpunta niya ng Japan.

Hindi nga natuloy ang pakikipag-usap ni AiAi sa Japanese father ni Jiro na si Yusuke Katakura dahil may sakit daw ito at kalalabas lang ng hospital.

Doon nalaman ni AiAi na hindi naman pala nagkulang ang ama ni Jiro sa pagbigay ng tulong ngunit hindi naman pala ito nakakarating sa kanya.

Nalamang ang lola ni Jiro sa mother side ang tumatanggap ng tulong mula sa Japanese father pero tila hindi naman daw ito nakakarating sa aktor.

Alam daw ng ama ni Jiro ang mga nangyayari sa kanyang anak at nagagalit ito dahil nagsi-self destruct ang anak nitong si Jiro.

Hindi naman daw nagkulang ang kanyang ama, pero sana naman mismong si Jiro ang mismong nag-aayos ng kanyang sarili.

Kaya gustong kausapin ni AiAi nang masinsinan si Jiro para sabi­hing ayusin na nito ang kanyang sarili.

Medyo nangarag lang si AiAi ngayon dahil magsisimula na ang CelebriTV na mapapanood na sa Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang.

BOOM: Concern na rin ang mga taong malapit sa magaling na aktor na minsang napariwara ang buhay.

Binigyan ito ng malaking chance na makabalik pagkatapos niyang malulong sa ipinagbabawal na gamot.

Ang buong akala ng lahat ay okay na ito pero tila naliligaw na naman at pinagdudahang bumalik na naman sa dating bisyo.

Naloka nga kami sa kuwento ni Mr. Fu na narinig daw niya mula sa isang staff na naka­trabaho nitong aktor.

Minsan daw sa ta­ping, nagulat sila nang lumapit ang aktor at ipinakita ang umuusok doon sa set.

Ang sabi raw ng aktor, “nakita ‘nyo yang usok na yan? Kaluluwa ko ‘yan na lumabas sa katawan ko.” Yun na! Naloka na sila bakit nagkakaganun na naman itong aktor na merong drama series na napapanood ngayon sa isang malaking TV network.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

AKTOR

ANG

DAW

EAT BULAGA

EULA VALDEZ

JIRO

JIRO MANIO

NAMAN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with