^

PSN Showbiz

‘Iskandalo’ ni Korina Sanchez lumutang na naman! Startalk magiging memorable ang anniversary!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang muling paglitaw ng old video ni Bernardita Inocencio mula nang iproklama ni P-Noy si DILG Secretary Mar Roxas bilang presidential candidate ng Liberal Party sa eleksyon sa 2016.

Si Inocencio ang ex-housemaid ni Korina Sanchez na inakusahan ng pananakit noong December 2001 ang broadcast journalist na asawa na ngayon ni Roxas.

SCENE: “Korina Sanchez scandal” ang pamagat ng video na lumitaw na rin nang kumandidato si Mar Roxas bilang bise-presidente noong 2010.

SEEN: Inaasahan na magiging memorable ang 20th anniversary celebration ng Startalk sa September 12. Ang Startalk ang longest running showbiz oriented talk show ng GMA 7 at ng bansa.

SCENE: Mahirap mapantayan ang ginawa ni Paolo Ballesteros sa Dabarkads Pa More ng Eat Bulaga noong Lunes. Malaki ang tsansa na si Paolo ang manalo sa grand finals ng Dabarkads Pa More sa Sabado.

SEEN: Positive ang mga feedback sa pilot week ng On The Wings of Love sa special screening nito noong Lunes sa Trinoma Cinema 7. Ang On The Wings of Love ang pinakahihintay na romantic teleserye nina James Reid at Nadine Lustre.

SCENE: Pinayagan ng Sandiganbayan na magkaroon ng medical check up si Senator Jinggoy Estrada sa Cardinal Santos Medical Center mula kahapon hanggang bukas, Agosto 6.

SEEN: Binati ni Kris Aquino ng advance happy birthday sa August 18 ang Regal Entertainment Inc. producer na si Mrs. Lily Monteverde. Walang nag-remind kay Kris na August 19 ang actual birthday ni Mother Lily.

SCENE: Ang paglilinaw ni Arnell Ignacio na nangyari sa construction site sa Pampanga at hindi sa talahiban ang “milagro” na ginawa ng kanyang ex-boyfriend na si Ken El Psalmer. Wala nang pagmamahal na nararamdaman si Arnell para sa ex-boyfriend na umiyak nang mag-propose siya ng engagement pero hindi humantong sa forever ang kanilang relasyon.

vuukle comment

ANG

ANG ON THE WINGS OF LOVE

ANG STARTALK

ARNELL IGNACIO

BERNARDITA INOCENCIO

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

DABARKADS PA MORE

EAT BULAGA

JAMES REID

KORINA SANCHEZ

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with