^

PSN Showbiz

Balik-GMA Jaya bagsak sa audition ng Sounds Familiar!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Muntik na palang lumipat sa ABS-CBN si Jaya kung nakapasa siya sa audition ng Your Face Sounds Familiar. Pinag-audition pala si Jaya ng bago niyang manager na si Carlo Orosa, pero hindi nga nakapasa, kaya balik siya sa Mari Mar ng GMA 7 kung saan siya ang gaganap sa role ni Corazon.

Bago raw mag-audition si Jaya, winarningan ito ng GMA 7 na may Mari Mar at kahit wala siyang ex­­clusive contract sa network, hindi pa rin magandang tingnan na napapanood siya sa dalawang networks. Sinabihan siyang ‘wag mag-o-audition, pero itinuloy pa rin.

Ang sabi, ang former manager ni Jaya na si Maristel Fernandez ang tumulong at nag-ayos para makabalik sa Mari Mar si Jaya. Kung hindi kumilos si Maristel, baka totally out na sa Mari Mar si Jaya.

Jose kinakawawa ng fans nina Alden at Yaya Dub

Ipinarating namin kay Jose Manalo sa presscon ng Sunday PinaSaya ang pam­ba-bash sa kanya ng AlDub fans nila Alden Richards at Yaya Dub dahil inuubos daw niya ang oras sa Kalye Serye segment ng Eat Bulaga.

Sagot ni Jose, hindi niya inuubos ang oras ng AlDub at ni Lola Nidora (Wally Bayola) at hindi na nga siya nagsasalita. Saka, ang script niya ay galing sa scriptwriter. Dagdag pa nito, nagsusuportahan sila sa EB, walang nagpapa-star at hindi puwedeng isa lang ang lumutang sa kanila. Ito ang disiplina sa kanila ng EB.

Kabilang si Jose sa main host ng Sunday PinaSaya na magsisimulang umere sa August 9 sa direction ni Rich Ilustre. Siniguro nitong hindi sila pagsasawaan ng viewers dahil iba ang gagawin nila sa bagong Sunday show sa ginagawa nila sa EB.

Political satire ang natoka kay Jose sa Sunday PinaSaya na mala-Rodrigo Duterte ang kanyang ipakikita. Sa tulong ng headwriter na si Andrew de Real at team niyang eight writers, mapapatawa nila ang viewers sa gagawin ni Jose at mga kasama nito sa show.  

Sampal ni Dina pinangarap ni Ayen

Kahit nasaktan sa sampal ni Dina Bonnevie sa Beautiful Strangers, wala pa ring reklamo si Ayen Laurel. In fact, dream come true sa kanya ang masampal ng aktres at ma-experience ang pagdapo ng mga palad nito sa kanyang pisngi.

First time rin niyang makatrabaho si Christopher de Leon na matagal na niyang pinapangarap. Gaganap siyang kabit ni Boyet at ina ni Heart Evangelista sa drama series na sa Aug. 10 ang pilot.

Ipinagpapasalamat din ni Ayen sa GMA 7 na su­nud-sunod ang kanyang show. One month lang daw after ng Second Chances, tinawagan siya para sabi­hing kasama siya sa cast ng Beautiful Strangers at maganda pa ang role.

Sosyalera si Ayen pero kering-keri gumanap na mahirap sa drama series at nilagyan pa ng prosthetics ang mukha.

Ruffa hindi pa rin sigurado sa BF

Hindi bago kay Ruffa Gutierrez ang role at karakter niya sa Misterless Misis na single mom dahil ‘yun siya sa tunay na buhay. Gaya ng karakter niyang si Diana, hinahanap din niya si Mr. Right kahit ito’y may boyfriend siya ngayon. Praktikal lang si Ruffa, hindi pa siya sigurado kung sila na nga ni Jordan Mouyal forever.

Ginawa pang mas exciting ang karakter ni Ruffa na si Diana na isang sosyalera at babaeng bakla na mahilig sa ukay-ukay. Idagdag pang marami siyang natututunang gay lingo sa taping at kay director Mark Meily at sa mga kasama lang niya naririnig.

Na-impress si Ruffa sa napanood na VTR ng Misterless Misis dahil parang movie ang pagkakagawa. Pinuri rin nito ang pagiging organized ng buong production team ng TV5 na naka-assign sa comedy show. Wish ni Ruffa na magtagal ang airing ng show nila na ang pilot ay sa August 9, 9 p.m.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

HINDI

JAYA

MARI MAR

NBSP

PINAYA

RUFFA

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with