^

PSN Showbiz

Bea nalamangan na ni Maja!?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang walang teleserye ang girlfriend na si Bea Alonzo, panay ang pasasalamat ng buong cast ng Dream Dad sa pangunguna nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo dahil sa gabi-gabing pagsubaybay ng TV viewers sa kanilang primetime drama series.

“Masayang-masaya at sobrang nagpapasa­lamat kaming lahat sa Dream Dad sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng mga manonood sa amin. Nakakawala ng pagod hindi lang dahil nag-pay off lahat ng pinaghihirapan namin, pero dahil din sa nakakapagpasaya kami ng tao,” pahayag ni Zanjoe na gumaganap sa serye bilang si Baste, na mas kilala na ngayon bilang si Mr. President.

Bukod sa cute na tandem nina Zanjoe at Jana, mainit din na sinusubaybayan ang tambalan ng mga karakter nito na sina Baste at Alex (ginagampanan ni Beauty Gonzales), o mas kilala sa tawag na ‘BasLex.’

“Hindi namin ine-expect na magiging ganito ‘yung suporta ng mga manonood sa team up namin ni Beauty. Nakakatuwa na malaman ‘yung reaksyon nila na kinikilig sila sa istorya nina Baste at Alex,” ani Zanjoe.

Samantala, nakamit ng programa noong Huwebes (Marso 12) ang bago nitong all-time high national TV rating na 34.9% base sa datos mula sa Kantar Media.

Kasama din sa cast ng programa sina Gloria Diaz, Ariel Ureta, Yen Santos, Maxene Magalona, Ces Quesada, Atoy Co, at Dante Ponce. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Alan Chanliongco at Jeffrey Jeturian.

Teka kelan nga ba uli mapapanood sa serye si Bea? Nauna pang nagka-project si Maja (Bridges of Love na magsisimulang umere tonight) samantalang mas naunang natapos ang serye noon ni Bea. Parang in terms of career, mas bongga na si Maja kesa kay Bea.

vuukle comment

ALAN CHANLIONGCO

ALEX

ARIEL URETA

ATOY CO

BEA

BEA ALONZO

BEAUTY GONZALES

BRIDGES OF LOVE

DREAM DAD

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with