^

PSN Showbiz

Aktor napuno na, ayaw na talaga sa taga-showbiz Jake model na naman ang bagong GF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naaliw kaming basahin ang sagot ni Jake Cuenca sa mga nang-ookray sa kanya nang i-post ang picture niyang nakahubad at kita ang abs. Pinalampas ni Jake ang comment na edited ang picture niya dahil hindi ganu’n kaganda ang katawan niya.

Ang hindi pinalampas ni Jake ay ang comment na “That’s edited ‘coz you f-----g fat on Bench Naked Truth.” Sagot ni Jake: “Yeah, I never denied it...But give me a few months and I’ll give you results...Being fat isn’t permanent...” May pahabol pa si Jake na “Haters gonna hate.”

Kabilang sa inspirasyon ni Jake na magpaganda uli ng katawan ang bagong GF na si Sarah Grace Kelley na isa ring model gaya sa ex-GF niya. Talagang pinanindigan na nito na hindi mag-girlfriend ng taga-showbiz, kaya puro models ang nakakarelasyon.

Anyway, tuluy-tuloy ang pagdyi-gym ni Jake at ‘pag umere na ang Pasion de Amor, maraming beses makikita ng viewers ang hubad niyang katawan. Ang description ni Direk Erik Quizon sa series ay “sexy and daring” at magpapaseksihan ang cast na kinabibilangan ni Jake.

Aljur binabak-Apan na uli ng GMA

Okay na pala sina Aljur Abrenica at Simon Ferrer ng GMA Artist Center dahil magkasama ang dalawa nang makipag-meeting si Aljur kay Director Gil Portes para sa gagawin niyang pelikula na ididirehe nito. Pero sabi ng isang source, civil lang sina Aljur at Simon at nag-uusap lang kung kailangan at walang small talks na nangyari sa kanilang pagitan.

Nang makasabay naming manood si Direk Gil ng Juego de Pelig­ro sa CCP, nabanggit na nitong may gagawin siyang movie para kina Aljur at Vin Abrenica at ito na pala ‘yun. May pamagat na Admit 1 na life story ni Direk Gil at si Aljur ang gaganap na siya.

Kaya lang, mamamatay ang karakter ni Vin na kapatid ni Direk Gil ang role, kaya nakiusap ang manager nitong si Noel Ferrer, special participation na lang si Vin sa pelikula ni Aljur. Mas maganda nga naman kung parehong buhay ang karakter ng magkapatid sa pelikulang pagsasamahan nila.

Wala pang sinabi kung kailan sisimulan ang shooting ng Admit 1 at kung sino ang ibang makakasama ni Aljur sa cast.

Carl hindi na bitter kay Kris

Ang Heartbreaker episode nina Carl Guevarra at Donnalyn Bartolome ang magbubukas sa Wattpad Presents Season 2 ng TV5 at airing na this Monday, March 16 up to Friday, Mar. 20, 9 p.m. Sabi agad ni Carl, hindi siya heartbreaker in real life at siya pa nga ang iniiwan ng girlfriend.

Alam na kung sino ang ex na tinukoy ni Carl, pero naka-move on na siya sa tulong ng kanyang younger sister. Ipinagpasalamat ito ng aktor dahil nahirapan siyang maka-move on sa break-up nila ni Kris Bernal, pero ngayon, wala na sa puso niya ang aktres at kulang na lang sabihing “she’s sooo yesterday” habang kausap namin.

Pero friends pa rin sila ni Kris, wala siyang reg­rets dahil naging masaya naman siya noong sila pa at marami siyang natutunan sa relasyon nila. Hindi siya naghahanap ng bagong pag-ibig, pero kung may dumating, magti-take chance siya.

Nagagandahan at nakyukyutan si Carl kay Janella Salvador ng ABS-CBN at kay Eula Caballero ng TV5. Natawa ito nang tuksuhin naming mahilig siya sa mga petite after Daiana Meneses na six footer yata ang height.

Mula sa katas ng paghihirap Miguel nakabili na ng bagong sasakyan

Masaya ang fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil sa episode this Monday ng Once Upon a Kiss. Magkikita na ang mga karakter ng dalawa na sina Prince at Ella. Two weeks ding hinintay ng BiGuel fans ang muling pagkikita ng favorite love team nila.

Natupad na pala ang dream ni Miguel na magkaroon ng bagong kotse dahil nakabili ito ng Starex Gold. Tuwing naiinterbyu at natatanong kung ano ang isa sa goal niya this year, ang makabili ng new car ang sagot ni teen actor at natupad na nga. Pareho na silang may bagong sasakyan ni Bianca na katas ng puyat at hirap sa taping ng Once Upon a Kiss at Ismol Family.

Mas lalong sasaya ang buhay ni Miguel ‘pag nakapasa siya ng National Achievement Test (NAT) dahil gusto nitong mag-enroll ng Engineering course sa college. Pangako nito, ‘pag nakapasa siya at nag-college na, kahit puyat at pagod siya sa taping at ibang showbiz commitments, papasok pa rin siya sa school.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

BENCH NAKED TRUTH

DIREK GIL

MIGUEL

ONCE UPON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with