^

PSN Showbiz

Kaya walang karamay sa kahirapan ngayon, aktres never nagpakaina sa mga anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mga walang utang na loob. Ganu’n kung ilarawan ng iba ang mga itinutu­ring na sariling anak ng isang premyadong babaeng personalidad. Masasakit ang mga salitang ipinatutungkol sa kanila, pagkatapos daw silang arugain, pa­la­kihin at pag-aralin ng kinilala nilang ina ay basta na lang sila tatalikod, ni hindi man lang madalaw ang babaeng nagpala sa kanila.

Pero mas maraming dumedepensa sa sitwas­yon ng mga bata. Naturingan nga raw silang mga anak, pero hindi naman nila natikman ang pagtrato ng isang ina sa kanyang mga supling, malalim ang mga kuwentong sangkot kung bakit sa pananaw ng mga hindi nakakaalam sa istorya ay lumalabas na walang utang na loob ang nagturingan nang magkakapatid.

Sultada pa ng aming source, “’Yun lang ang nakikita ng mga nanghuhusga. Bakit sila lang? Bakit hindi rin nila tanungin kung bakit pati ang mismong dugo at laman ng babaeng ipinagtatanggol nila, e, ga­lit din sa nanay niya?

“Sila lang ba? Bakit pati ang tunay niyang anak, hindi niya nakakasama at nakakausap, bakit matindi ang galit sa kanya nu’ng anak niya?” madiing tanong ng impormante.

Nu’ng minsang may nagtanong sa anak ng prem­yadong aktres kung nagkikita ba silang mag-ina ay isang marespetong pag-iling lang ang isinagot ng aktor.

Parang wala itong panahon para pag-usapan ang kanyang ina, iwas na iwas ang aktor, parang matindi ang kanyang dinaramdam. Sa kakukulit ng nagtatanong sa aktor ay napilitan din itong magbigay ng komento, “Hindi bale na lang, maayos naman ako. Okey na ako sa ganito.”

Komento naman ng isang dating malapit sa aktres, “Sa pictorial lang naman sila nagkakasama-sama. Sa ganu’n lang sila kunwari close. Kaila­ngan niya kasing ipakita sa publiko na dakila siyang nanay. Pero sa totoong buhay, lumaking independent ang mga bata.

“Mababait pa nga sila, marespeto, matanaw ng utang na loob. Sa iisang bahay lang sila nakatira pero hindi naman sila nagkikita-kita. Palaging naka­kulong lang sa kuwarto ang mommy nila.

“Kapag papasok na ang mga bata, susulat na lang sila ng message sa isang maliit na papel. Ilulusot nila ‘yun sa siwang ng pin­tuan ng kuwarto ng mom­my nila. Walang sagot. Palaging ganu’n,” kuwento pa ng source.

At ang panghuling komento pa ng impormante, “Kung alam lang nila. Kung meron lang sana silang alam kung paano lumaki ang mga bata, hindi na sila mag­tatanong, hindi na sila manghuhusga.”

Napakalungkot na kuwento.

Jam milya-milya na ang layo sa dating hitsura

Alas tres nang hapon ang libing ngayon ng You Tube Sensation na si Jam Fernando Sebastian. Alas dose nang tanghali ang pag-alis ng kanyang bangkay sa Lo­yola Memorial Chapels sa Sucat, magkakaroon ng misa sa Our Lady of Pilar sa Las Piñas nang ala una y med­ya, pagkatapos ng eulogy ay idadaan ang kanyang mga labi sa mismong tapat ng kanilang bahay na malapit lang sa simbahan.

Sa Manila Memorial Park-Sucat ililibing si Jam. Nu’ng Biyernes nang gabi sa aming pakikipaglamay, ha­­pon pa lang ay punumpuno na ng kanyang mga ta­ga­hanga ang mismong harapan ng Loyola, kapansin-pan­sin na puro kabataan ang pumipila para masilip sa huling pagkakataon ang kanilang idolo sa You Tube bilang kahati sa tambalang Jamich.

Milya-milya ang layo ng itsura ni Jam na nakita na­ming nakahimlay sa Jam na huli naming nakita nang ma­­ging guest sila ng kanyang girlfriend na si Mitch Liggayu sa isang programa ng TV5 isa’t kalahating taon na ngayon ang nakararaan.

Makisig pa rin si Jam, pero buto’t balat na ang kan­yang mukha at katawan, ayon sa kanyang pinsan ay medyo tumaba pa nga siya sa ganu’ng kalagayan dahil sa pag-aayos ng embalsamador.

“Baligtad. Siya dapat ang maghahatid sa akin, pe­ro ako ang maghahatid sa kanya ngayon,” emos­yo­nal na pahayag ng kanyang dakilang inang si Mommy Maricar.

Kapag meron daw pumapanaw ay hindi dapat pa­­alam ang ating sinasabi. Dapat daw ay hanggang sa muling pagkikita lang dahil lahat naman tayo’y ma­wawala rin sa takdang panahon.

vuukle comment

BAKIT

JAM FERNANDO SEBASTIAN

KANYANG

KAPAG

LANG

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with