^

PSN Showbiz

Mag-asawang personalidad tadtad ang kasong estafa, maraming naiwang naloko sa ‘Pinas

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mag-iisang dekada nang umalis sa bansa ang isang mag-asawang personalidad na sumabit sa isang matinding kasong pampinansiyal. Hinahabol ngayon ang male personality sa bintang na panloloko sa isang grupo ng mga businessmen sa negosyong ipinagkatiwala sa kanya para patakbuhin.

Hindi lang kaliwa’t kanang kasong estafa ang isinampa ng mga ito laban sa pamosong male personality. Meron pang mga pagbabanta, kaya bago pa siya matagpuang nakatihaya sa kalye ay tumakas na ang buong pamilya papuntang Amerika.

Ang lalaking personalidad din ang pinagbibintangan ngayon ng isang nagbabalik-showbiz na female personality na nanloko sa kanya. Halos lahat ng mga ari-arian ng aktres ay naibenta ng lalaki habang wala ito sa bansa.

Kung paniniwalaan ang mga kuwento ay daang milyon ang hinahabol na halaga ng mga investors sa male personality, napakalaking halaga na ayon sa mga sumosyo ay ginastos ng mag-asawa sa kanilang mga kapritso. Nagbuhay-hari at reyna kasi sila nu’ng mga panahong pasok nang pasok ng puhunan ang kanyang mga kaibigan sa itinayo nilang negosyo.

Paminsan-minsan ay nakararating dito ang balita na masagana pa rin ang buhay ng mag-asawa sa ibang bansa, ilang Pinoy pa nga ang nakakita sa kanila sa isang sikat na beach. Ipinagmamalaki pa rin ng lalaki ang matipuno niyang katawan pero nadagdagan na ang timbang ng kanyang misis na dating aktres.

Komento ng isang miron, “Magagawa nila du’n ang lahat ng gusto nila, pero para na silang mga daga na tago nang tago sa kanilang lungga.”

Ubos!

Sobrang asim na ng imahe Xian kailangan nang maligo sa pulot!

Nakababad na naman sa kumukulong tubig ang pangalan ni Xian Lim. Kung may mga nagtatanggol sa kanya ay napapaibabawan ‘yun ng mga upak na tinatanggap ng aktor mula sa kampo ni Governor Joey Salceda at ng mga Bicolano.

Hindi lang ngayon nangyari ang ganito kay Xian, maraming beses na, kung saan humuhugot ng kamaldituhan ang wala pa namang napatutunayang personalidad ay isang malaking tandang pananong pa hanggang ngayon.

Maraming mas malalaking personalidad na meron nang maipagmamalaki ang kailangang pagkunan ng seminar ni Xian Lim. Nagsisimula pa lang siya ay puro ang kanyang kaartehan at kamaldituhan na ang nasusulat tungkol sa kanya pero hanggang ngayo’y hindi pa rin siya nadadala.

Dahil sa ganu’ng imahe niya ay hindi na masisisi ni Xian ang negatibo niyang dating. Masakit pakinggan, pero talagang maraming nagsasabi, ano ba ang ipinagmamalaki ng aktor na ito para magsuplado siya na parang hindi na sisikat ang araw kinabukasan?

Hindi naman siya magaling umarte. Ang isang simpleng eksena lang ay ni hindi nga niya maitawid, inip na inip na ang kanyang mga kapwa aktor dahil sa tagal ng taping, dahil si Xian ang cause of delay.

Paano na kung kasinggaling niyang umarte si Coco Martin? Paano na rin kung kasingguwapo siya at may malakas na karisma na tulad ni Piolo Pascual?

Baka winarak-warak na niya ang T-shirt at ipinukpok na niya sa ulo ang nagbigay sa kanya ng coffee table book tungkol sa kasaysayan ng Albay?

Kailangan na nga sigurong maligo sa pulot ang napakaasim at malditong si Xian Lim. Napakaaga niyang nalunod sa isang kutsarang tubig.

vuukle comment

COCO MARTIN

GOVERNOR JOEY SALCEDA

ISANG

PAANO

PIOLO PASCUAL

XIAN

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with