^

PSN Showbiz

Diego Loyzaga pinag-iinteresan din si Liza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nililigawan ni Enrique Gil si Liza Soberano ay mayroon na raw pagkakaintindihan ang dalawa. Nagkasama na sa pelikula sina Enrique at Liza noon pero mas umusbong ang pagkakaibigan ng dalawa mula nang magsimula ang teleseryeng Forevermore na pinagbibidahan nila. “Hindi pa ligaw kasi… well, ang hirap kasi i-explain eh, pero may understanding kami. ‘Okay, gusto kita.’ Siya naman, she understands how I feel. Sabi niya… may usapan naman kami na alam niya na hindi pa pwede. Kasi 17 (years old) lang siya, siguro ‘pag 18 na raw siya,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Maituturing daw na best friend ng aktor si Liza ngayon. “Masasabi kong sa lahat ng babae dito sa showbiz, siya ‘yung pinaka-close ngayon. Siya ‘yung pinakakumportable ako. Basically, we’re best friends,” makahulugang pagbabahagi ni Enrique.

Kamakailan ay isinama na rin sa nasabing soap opera si Diego Loyzaga bilang ka-love triangle nina Enrique at Liza. Hindi raw nakararamdam ng selos si Enrique kahit malapit na rin si Diego sa aktres. “Ako, sa pagseselos, parang hindi naman, parang wala naman. Alam ko naman na may understanding kami,” giit pa ng aktor.

Maris naiintindihan si Manolo kahit iniisnab-isnab siya

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sa pelikulang Star Versus Me sina Maris Racal at Manolo Pedrosa. Sobrang excited na raw ni Maris para sa movie project nila ng binata. “Masayang-masaya po ako kasi heto na. May pictorial na kami para sa first movie ko with Manolo. Tapos ilang weeks na lang din, showing na po ang Star Versus Me kaya sobrang nakaka-excite ‘yung feeling,” bungad ni Maris.

Katambal ngayon ni Manolo sa teleseryeng Oh My G! si Janella Salvador kaya hindi rin maiiwasang mag-react sa social media ang mga tagahanga ng dalawa kay Janella. “Gano’n naman po talaga sa showbiz, paiba-iba. Hindi naman kayo palagi ‘yung pina-partner. Kaya lang, siyempre nagre-react po talaga sila. Naloloka sila! ‘Yung iba, nagseselos sila. Number one talaga ‘yung selos pero okay naman kami kaya wala silang dapat ika-worry,” paliwanag ng dalaga.

Una nang nagkasama sa Pinoy Big Brother house sina Maris at Manolo at ngayon ay mas kilala na raw nila ang isa’t isa ayon sa aktres. “Si Manolo po kasi mabait na anak. Kung mabait siya sa loob (PBB house), gano’n din naman po siya no’ng nasa labas na kami. Wala namang pinagbago, saka sweet din siya. May time lang na kapag medyo napi-pressure siya, halata mo kasi tumatahimik lang siya. Kinukulit ko siya, pero tahimik lang siya. Parang deadma lang siya, pero okay lang naman ‘yon kasi naiintindihan ko siya,” pahayag ni Maris.                                                                     Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

ENRIQUE

LANG

MANOLO

NAMAN

SIYA

STAR VERSUS ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with