^

PSN Showbiz

Nakunan daw ng milyun-milyon isa pang nabiktima ng producer na si Jacob Fernandez lumantad!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakausap naming ilang taga-PMPC (Philippine Movie Press Club) ang pinsan ng isa naming kamiyembro over merienda at napag-alaman namin na isa siya sa nabiktima ng producer ng pre-Valentine concert ni AiAi delas Alas sa Solaire Resort & Casino Theater na si Jacob Fernandez. Hindi ito natuloy dahil hindi nagawang bayaran ng producer ang venue ng concert at maging ang guest sana ni AiAi sa concert na si Richard Yap. Hindi nabigyan ng 50% down payment ang aktor na isang stan­dard opera­ting procedure (SOP) sa mga ganitong palabas kaya days before the concert ay nagsabi na itong out na siya sa concert.

Isang singer si Azrah na sa Hong Kong naninirahan kasama ang kanyang negosyanteng asawa na taga-Sri Lanka. Bahagi ng pangarap nito ang kung hindi man makagawa ng album ay makapagdaos ng concert. Ang album ay inaasahan niyang magsisilbing remembrance o tagapagpaalala na minsan sa buhay niya ay nakapag-recording siya.

May nauna nang isang album si Azrah. Nai-promote pa nga niya ito sa ASAP at nabigyan ng Gold Record Award. Nakapag-concert din siya sa Music Museum para rito. PolyEast Records ang nag-release ng unang album niya.

Nagkaro’n siyang muli ng pagkakataon na matupad ang pangarap na makilala bilang singer nang gumawa siya ng isa pang ng album sa Hong Kong. Isang kaibigan niyang singer din na nakabase sa Hong Kong ang nagpayo sa kanya na umuwi ng bansa at dito i-promote ang album na sinunod naman niya. Kilala nito si G. Jacob Fernandez at si­na­bing ipakikilala si Azrah dito para matulunggan siya. Pero pagdating niya rito at matapos marinig ni G.Fernandez ang album ay sinabi nito na hindi maganda ang pagkaka-record ng album. Tunog lata raw at Bisayang Bisaya ang pagkakabigkas niya ng mga lyrics. Pinayuhan pa siya nito na kumuha ng speech lessons para maayos ang pagsasalita niya sa halagang P50,000. Pagkatapos nito at saka siya magri-record uli. Hiniling din nito na ito na lang ang mangasiwa sa launching ng kanyang bagong album. Pumayag naman si Azrah, pero sinabing hihingin muna niya ang permiso ng kanyang asawa. Hiningan siya nito ng P1.7-M na magagastos nila sa recording at sa magiging launching nito sa Teatrino. Ibinigay naman niya, maging ang P300,000 na hini­nging karagdagan nito. Lahat ng mga perang inilabas niya ay may karampatang resibo. Hanggang ngayon ay hindi pa nagaganap ang launching na ipinangako sa kanya. Kung hindi lamang niya nabasa ang tungkol sa nangyari kay AiAi na sangkot si G. Fernandez ay hindi pa niya maaalala ang kanyang naunsyaming pangarap.

“Hindi ako gumastos ng milyon sa unang album ko at sa mga sumunod na promosyon para rito. Pero, dito sa ikalawa, hindi pa nangyayari ay nakapaglabas na ako ng kulang-kulang sa P2-M,” himutok ni Azrah na tumindi ang galit sa nanloko sa kanya dahil maging ang pini-PR nito na si Faith Cuneta ay nakakuha rin ng pera sa kanya.

P-1M ang nakuha sa kanya ng singer bilang sosyo sa itatayo raw nito na entertainment business. At hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Pero lahat ng negosasyon niya sa dalawa ay may resibo lahat kaya kampante silang mag-asawa na makakasuhan nila ang dalawa. Bukod sa isang milyon na dapat ay sosyo niya sa gagawing negosyo ni Faith, in-over-price rin nito ang halaga ng dekorasyon ng kanyang bahay na si Faith ang kumuha ng interior designer. Bukod pa ito sa personal loan ni Faith sa kanya.

Dahil itinuturing pa rin niya na kaibigan ang dalawa kung kaya hindi pa umaalma si Azrah. At kung hindi marahil sa nangyari kay AiAi at sa pagbanggit nito sa naging kaso niya sa dalawa ay hindi pa sana siya iimik. Magkakilala sila ni AiAi dahil P1-M ang isinosyo niya noong mag-concert ito sa Araneta Coliseum na kay Jacob Fernandez din niya ipinadaan.

“Pera lang ang nawala sa akin. Pero gusto ko nang lagyan ng stop ang masamang gawain nila para wala na silang mabiktima pa,” sabi nito.

Cristine malampasan sana ang ‘krisis’ sa buhay

Sana nga ay mabigyan ng pagkakataon si Amarah, ang anak na isinilang ni Cristine Reyes ng kulang sa buwan nung Ika-8 ng Pebrero. Hindi na napigil ang pagluluwal sa sanggol kahit ginawa na ng mga doctor ang lahat ng kaya nilang gawin. Ang kailangan ng aktres ngayon at ng pamilya niya ay dasal para malampasan nila ang krisis na ito sa kanilang buhay.

Daniel lumolobo na ang mukha, kailangang mag-diet!

Dapat pigilan ni Daniel Padilla ang kanyang pagtaba. Hindi na kasi siya cute lalo’t ang mukha niya ang unang lumalaki at hindi ang katawan.

Promise Daniel, maapektuhan ang career mo kapag nagpatuloy ang paglaki mo. Tinatawagan ko rin ng pansin ang nanay niyang si Karla Estrada na baka kailangan na niyang i-rescue ang anak niya para masiguro ang patuloy na pamamayagpag nito.

For sure, ayaw niyang mawala ng ganito kaaga ang kasikatan ng kanyang anak. Huwag silang makampante ha!

vuukle comment

ALBUM

AZRAH

HONG KONG

JACOB FERNANDEZ

NITO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with