^

PSN Showbiz

AiAi vindicated!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isa-isa nang naglalabasan ang mga reklamo laban sa concert producer na si Jacob Fernandez mula nang ibulgar ni AiAi delas Alas ang mga kapalpakan niya.

Si AiAi ang naging inspirasyon ng ibang mga biktima na lumantad at magsalita tungkol sa datung nila na tinangay ni Jacob.

Vindicated si AiAi sa pagsasalita ng mga biktima dahil lumabas ang katotohanan.

Kahit ano pa ang gawin at sabihin ni Jacob,wala nang maniniwala sa kanya dahil zero na ang kredibilidad niya.

Kung may naniniwala man sa kanya, baka ang sarili na lang niya. How pathetic “no?

Yeng kasal na

Ikinasal na kahapon si Yeng Constantino sa kanyang boyfriend at nangyari ang kanilang pag-iisang dibdib sa hacienda ni Kuh Ledesma.

Hindi ako sure kung nakadalo sa kasal ni Yeng ang bestfriend ko na si Pinky Tobiano.

Very close sina Yeng at Mama Pinky sa isa’t isa. Si Mama Pinky ang sponsor noon ng bridal shower ni Yeng sa isang clubhouse sa Quezon.City.

Nagpunta kasi si Mama Pinky sa Balesin resort dahil dito sila nag-celebrate ng Valentine’s Day ng kanyang mother dear.

Member si Mama Pinky ng Balesin resort kaya anytime na gusto niya na magpahinga, fly siya sa kanyang favorite vacation place.

Nagkita kahapon sina Mama Pinky at Senator Chiz Escudero sa Balesin. May duda ako na invited si Mama Pinky sa kasal nina Heart at Papa Chiz kaya nagpunta rin siya sa Balesin as in hitting two birds with one stone ang ginawa niya.

Dingdong at Marian biglaan ang bakasyon sa paraiso

Lovers in paradise sa Palawan ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Biglaan ang desisyon ng dalawa na mag-celebrate ng Valentine’ s Day sa Palawan.

Memorable ang bakasyon nina Marian at Dingdong dahil ito ang first Valentine date nila bilang mag-asawa.

Ang magkaroon ng anak ngayong 2015 ang biggest project nina Dingdong at Marian

Cristine hindi tumaba

Nakita ko na ang picture ng bagong silang na anak ni Cristine Reyes at ng kanyang boyfriend.

Cute ang baby girl na kamukhang-kamukha ng mag-dyowa dahil malaki ang pagkakahawig ni Cristine sa kanyang dyowa.

Hindi na kailangan ni Cristine na magpapayat dahil maganda ang pagbubuntis niya. Hindi lumobo ang kanyang katawan at malaking bagay na active siya sa gym noong ipinagbubuntis niya ang bagets.

vuukle comment

BALESIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DINGDONG DANTES

JACOB FERNANDEZ

KUH LEDESMA

MAMA PINKY

MARIAN RIVERA

NIYA

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with