^

PSN Showbiz

Produ ng Ai Heart Papa palpak, concert kinansela!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kanselado kagabi ang pre-Valentine concert ni AiAi Delas Alas, ang Ai Heart Papa dahil hindi nakatupad sa kasunduan at obligasyon ang concert producer na si Jacob Fernandez.

Hindi maganda ang track record ni Jacob bilang concert producer kaya nagtataka ako dahil siya ang produ ng concert ni AiAi sa isang malaki at sosyal na venue na kagaya ng The Theater ng Solaire Resort & Casino.

Marami nang isyu tungkol sa mga kapalpakan ni Jacob bilang producer. Nakalulungkot na pati si AiAi, nadamay dahil pinairal nito ang tiwala.

May balak pa si AiAi na ituloy ang concert, kahit hindi na mahagilap si Jacob. Mabuti na lang, nakinig siya sa mga payo ng kanyang mga kaibigan na huwag niyang saluhin ang mga pagkakamali ni Jacob. Advice at hindi order ang sinabi kay AiAi ng kanyang mga kaibigan na pinakinggan naman niya.

Hindi na napigilan si AiAi na magsalita kahapon laban kay Jacob dahil sa grabeng stress na ibinigay nito sa kanya.

Ewan ko lang kung paano sasagutin ni Jacob ang mga akusasyon ni AiAi na dokumentado at may sapat na ebidensya.

Saan ba kayo nakakita na bisperas na ng concert, hindi pa bayad ang venue at mga supplier ng lights at sound equipment?

Pati ang production staff, walang down payment na natanggap kaya hindi natin masisisi ang pasya nila na huwag nang ituloy ang concert dahil baka lalong maging malaki ang problema. Kung hindi sila nabayaran sa pre-production ng concert, malabo ang posibilidad na mabayaran sila pagkatapos ng show!

Hindi man natuloy ang kanyang pre-Valentine concert, tiyak na may kapalit ito na mas maganda dahil good karma naman si AiAi.

Nakapanghihinayang lang dahil plano ni AiAi na ibigay ang bahagi ng kikitain ng kanyang concert sa mga pulis na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25.

Ang suwerte ni Richard Yap dahil nakapag-back out agad siya sa concert ni AiAi.

Supposedly, si Richard ang guest sa Ai Heart Papa pero two weeks before the concert, nag-back out siya.

I’m sure, naramdaman ng kampo ni Richard na hindi maayos na kausap si Jacob kaya nagbabu ang aktor sa show at good move ang ginawa nila.

May mga bumili na ng tickets para sa Ai Heart Papa at karapatan nila na mag-demand na ibalik sa kanila ang mga datung na ibinayad. Si Jacob ang kanilang dapat habulin dahil hawak niya ang kadatungan.

Dahil sa kaingayan, mga kongresista hindi tinatantanan ng bashers pag-iyak ni Papa Leo pinag-uusapan pa rin

Pinag-uusapan pa rin ang pag-iyak ni PNP OIC Leo Espina sa imbestigasyon ng House of Representatives noong Miyerkules na buong-buo na ipinalabas sa lahat ng mga news program.

Nakakaiyak naman talaga ang eksena na mabigat sa dibdib dahil bihira tayo na makakita ng mga heneral na umiiyak sa harap ng publiko.

Napaiyak si Papa Leo dahil sa overkill sa Fallen 44 ng PNP-SAF.

May duda rin ako na hindi napigilan ni Papa Leo ang mag-emote dahil sa sobrang ingay ng mga tao sa harap niya.

Lahat ng mga kongresista na nakapaligid sa kanya, nagsasalita at hindi nagkakasundo sa kanilang mga opinyon. Sa balitaktakan pa lang nila, ubos na ang oras kaya ang ending, bina-bash sila ng mga tao na narindi rin sa kanilang pag-iingay.

Kapayapaan ang bukambibig ng mga nag-iimbestigang kongresista pero sila mismo, hindi naging good example sa taumbayan dahil sa ingay at very unbecoming na asal na ipinakita nila!

vuukle comment

AI HEART PAPA

AIAI

CONCERT

DAHIL

DELAS ALAS

JACOB

PAPA LEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with