^

PSN Showbiz

Barbie sa bahay lang ginawa ang bagong album!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May bagong album ang alternative rock icon na si Barbie Almalbis.

Yup, matagal-tagal ring namahinga si Barbie at nag-concentrate sa pagiging misis kay Martin Honasan at nagpaka-nanay sa dalawa nilang anak na isang 7 and 4 years old. Year 2011 pa ang huli niyang album.

Very personal ang new album ni Barbie dahil sa bahay lang niya ito ginawa. Habang nasa eskuwelahan ang kanyang dalawang anak, nagre-record naman siya.

Ginawa niyang studio ang buong bahay nila. Nag-set up lang siya ng mga gamit, meron siyang panel para hindi maging maingay. Pinag-aralan din niya ang home recording bago niya sinimulan ang nasabing album.

Hands on mom daw kasi siya kaya mas ideal sa kanya ang ginawang recording sa bahay. Painter naman ang husband niya kaya may time silang nasa bahay lang.

Bago nag-asawa si Barbie ay marami siyang kantang sumikat. Kasama rito ang Torpe and Firewoman. Naging lead siya ng Barbie’s Cradle kung saan naging hit ang mga kanta niyang Tabing Ilog, Money for Food, Langit Na Naman at Limang Dipang Tao.

In 2006, nang i-release niya ang first solo album entitled Parade na produced ng 12 Stone Records at dito nanggaling ang mga kantang Dahilan, Overdrive, Pag-alis and High.

Nagkaroon din siya ng solo concert sa Araneta Coliseum na may live recording pa.

At noong ngang 2011 ginawa niya ang Goodbye My Shadow. ‘Yun na ang huli niyang album at nanahimik na nga siya sa pagiging Mrs. Honasan.

Pero tambak ang awards and nominations niya from various award-giving bodies sa bansa noong active na active siya. Nagkaroon din si Barbie ng maraming endorsements.

At ngayon ay nagbabalik siya bitbit ang bagong album na New Heart na napiling isa sa Top 10 albums ng ABS-CBN.

Bukod sa promo ng kanyang album at pagiging ina at asawa, may mga gig pa rin siya.

Out na ang New Heart ni Barbie na majority sa mga kanta ay original.

Aicelle Santos may gustong patunayan sa concert

Magkakaroon ng birthday concert ang GMA Artist Center’s power belter na si Aicelle Santos, Class A: Aicelle Santos in Concert, at the Philippine Educational Theater Association (PETA) theater on February 25.

After being hailed as Aliw Awards’ Best Actress for Rak of Aegis, handang-handa na si Aicelle na ipakita ang kanyang husay sa concert.

Bukod sa award, puring-puri rin siya nang magbida sa nasabing stage play. Ginampanan niya ang role na Aileen, a promodizer who is caught between finding true love and reaching her dreams. Maging si Cherry Gil ay napahanga sa galing niya.

Ngayon patutunayan ni Aicelle na kaya niyang mag-solo.

“What I do is I try to sing every day and learn my songs thoroughly while doing promos for the concert. Gusto ko kasi na dito sa concert, makita nila kung sino talaga ako as a performer,” reveals Aicelle.

Aicelle was the first runner up in the second season of GMA Network’s Pinoy Pop Superstar in 2005, at dito nagsimula ang lahat. Since then, she was able to showcase her prowess as a singer through tours, gigs, concerts, at theater nga.

For tickets, you can contact PETA at +639175765400 or (02) 725-6244.

Bigatin ang kanyang mga guest na sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal, and Celeste Legaspi.

Sinabi nga pala ni Aicelle na tapos na ang isyu sa kanila ni Jonalyn Viray na dati niyang ka-grupo sa La Diva. Kasama rin nila si Maricris Garcia. Wala na raw gap pero hindi na bumalik ang kanilang friendship. Nag-uusap na rin sila pag nagkikita sila.

Samantala, 2011 pa raw ang last na boyfriend niya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nai-in love uli.                                  

vuukle comment

AICELLE

AICELLE SANTOS

ALBUM

ALIW AWARDS

BARBIE

NEW HEART

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with