^

PSN Showbiz

Richard at Raymond kasosyo sa pinakausong nightclub

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang birthday party kagabi ng Gutierrez twins na sina Richard at Raymond Gutierrez sa Valkyrie Nightclub ng The Palace sa The Fort Global City, Taguig City.

Isa si Sarah Lahbati sa punong-abala sa pag-iimbita para sa birthday party na ‘yon.

Kasosyo sina Richard at Raymond sa nasabing nightclub na kasya sa loob ang lampas sa dalawang libong tao.

Bukod kina Richard at Raymond, ang ilan pang celebrities na kasosyo sa tinaguriang pinaka-in place ngayon sa The Fort ay sina Vice Ganda, Fabio Ide, Tim Yap, Neil Arce (producer na boyfriend ni Bela Padilla), Jeremy Marquez, JM Rodriguez, DJ Tony Toni (ng Boys Night Out of Magic 89.9), at Liz Uy.

All-out support ang pamilya Gutierrez sa birthday party ng kambal na kinunan din ng It Takes Gutz to be a Gutierrez TV crew nila at ipapalabas sa third season ng reality TV series nila sa E! Asia.

Bilang co-owner ng Valkyrie Nightclub, very active sa namamahala si Raymond ng lugar na ‘yon. Abala rin ang kambal ni Richard sa pamamahala sa 71 Gramercy Bar/Restaurant na located naman sa Kalayaan Ave., Makati City.

Ogie susubukang punuin ang Philippine Arena!

Ang post-Valentine’s concert ni Ogie Alcasid sa Philippine Arena ng INC (Iglesia ni Cristo) sa Ciudad de Victoria sa Santa Maria, Bulacan.

Sa Pebrero 20 na raw ang final date ng OPM Live muSIKATin concert ni Ogie.

Dapat ay Enero 31 ang concert na ‘yon, pero may event din daw sa nasabing venue sa araw na ‘yon at Pebrero 20 ang date na naibigay sa producers ng OPM Live muSIKATin.

Regular taping day ni Ogie para sa Tropa Moko, Nice ‘Di Ba? ang araw na ‘yon, kaya ipinagpapaalam pa nila ‘yon kay Ma’am Wilma Galvante ng TV5.

Inaayos na rin ang schedules ng mga singer na maggi-guest doon at magkakaroon ng official announcement tungkol doon by next week.

Nang unang mapabalita ang tungkol sa Philippine Arena concert ni Ogie, wala sa listahan ng guests ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid dahil may ULTIMATE concert ito kasama sina Martin Nievera, Lani Misalucha, at Gary Valenciano sa MOA Arena sa Pebrero 13 at 14. Ngayon kayang post-Valentine’s concert na ang OPM Live muSIKATin, makasama na rin kaya si Regine sa mga maggi-guest sa biggest concert ni Ogie?

Ang Philippine Arena nga pala ay binansagang “the biggest dome in the world” at more than 50,000 ang seating capacity nito.

 

vuukle comment

ANG PHILIPPINE ARENA

BELA PADILLA

BOYS NIGHT OUT OF MAGIC

CONCERT

DI BA

OGIE

PHILIPPINE ARENA

RAYMOND

VALKYRIE NIGHTCLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with