^

PSN Showbiz

Maraming artistang feeling sikat at powerful na ipinabibitbit pa sa alalay ang bag, dapat mahiya kay Pope Francis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi uso kay Pope Francis ang pagkakaroon ng alalay at ebidensya ang itim na bag na bitbit niya nang dumating at umalis siya sa Pilipinas.

Puwedeng-puwede na ipabitbit ng Santo Papa sa mga miyembro ng kanyang entourage ang bag pero hindi niya ginawa dahil para kay Pope Francis, normal ang magdala ng bag.

May importanteng aral na dapat matutunan ang mga artista natin sa magandang halimbawa na ipinakita ni Pope Francis.

Hindi mabibilang sa daliri ang mga aktres na ipinapaubaya sa kanilang mga alalay ang pagdadala ng bag nila.

Pero kapag may mga gamit sila na nawala, ang pobreng alalay ang kanilang tinatalakan. Hindi sila nagpapakita ng mercy and compassion sa kawaawang alalay na pinagbitbit na nga ng bag, nakatikim pa ng mga masasakit na salita.

Dapat mahiya kay Pope Francis ang mga artista na ugali na ang ipabitbit ang kanilang mga bag at personal na gamit sa mga alalay nila. Sila ang mga artista na feeling sikat at powerful.

Wala na talagang samaan ng loob Sen. Bong dinalaw ni Dra. Vicki Belo sa piitan

Dumalaw kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada si Dra. Vicki Belo noong Lunes.

Kasama ni Mama Vicki sa PNP Custodial Center ang kanyang “friend” and “constant escort” na si Hayden Kho, Jr.

Na-appreciate ko ang pagdalaw ni Mama Vicki kina Bong at Papa Jinggoy.

Nagkaroon noon ng tampuhan sina Mama Vicki at Bong dahil sa isyu ng mga private video nina Hayden at Katrina Halili.

Pero past is past. Magkaibigan na uli sina Mama Vicki at Bong. Malaking tulong ang joint trip nila sa Holy Land noong April 2014.

Kasama ni Mama Vicki sa Holy Land trip si Hayden at si Lani Mercado at ang kanilang mga anak ang kasama ni Bong. All’s well that ends well.

Martin, Gary at Regine matagal bago nilubayan ng entertainment press

Parang na-miss ng entertainment writers ang mga presscon dahil nagtagal sila sa presscon ng Ultimate, ang Valentine concert nina Martin Nievera, Lani Misalucha, Gary Valenciano, at Regine Velasquez.

Nagsimula ang presscon ng 11 a.m. at 2 p.m. na, sige pa rin sa pag-iinterbyu kina Gary, Martin, at Regine ang mga reporter. Wala si Lani dahil nasa Amerika pa siya nang maganap ang presscon noong Lunes.

Martin walang itatapon sa mga dinadaldal!

Aliw na aliw kay Martin ang entertainment writers dahil hindi siya nauubusan ng mga kuwento at ng mga sasabihin.

Walang puwedeng itapon sa mga sinabi ni Martin dahil kasulat-sulat ang lahat kaya siya ang favorite singer ko.

Sure ako na magiging blockbuster concert ang Ultimate dahil sa pagsasama-sama ng mga mahuhusay na singer sa Pilipinas.

‘Nakaka-insecure’

Nakita ko sa presscon ng Ultimate ang Christmas gift ng Binay family sa isang entertainment writer.

Na-insecure ako dahil wala akong natanggap na Christmas gift mula kay Vice-President Jojo Binay at sa kanyang anak na si Senator Nancy Binay na kilala lang yata ang entertainment press tuwing panahon ng eleksyon.

Pero bibigyan ko ng benefit of the doubt ang mag-ama. Baka ipinadala nila sa mga publication office ang kanilang mga Christmas gift kaya wala pa akong natatanggap dahil ang sabi ng entertainment writer na nakausap ko, iniwan sa isang publication office ang regalo na ipinakuha na lamang niya sa isang entertainment editor. (Yes po, nagpadala sila ng basket of goodies. Baka po naisip nilang marami ka nang natanggap na grocery basket kaya ‘di ka na pinadalhan. Hahaha. - SVA)

vuukle comment

DAHIL

HOLY LAND

MAMA VICKI

PERO

POPE FRANCIS

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with