^

PSN Showbiz

Dating sexy actress na si Aleck Bovick pasok sa serye ni Vina

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Nagbabalik-showbiz ang dating sexy star na si Aleck Bovick matapos itong mawala sa sirkulasyon sa loob ng maraming taon. 

Si Aleck ay kasama sa cast ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na tinatampukan nina Vina Morales, Denise Laurel, Jane Oineza, at Loisa Andalio mula sa magkatulong na direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

Last November ay nag-guest si Aleck sa The Singing Bee nina Amy Perez at Roderick Paulate. Huli siyang napanood in 2006 nang siya’y mapasama sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother (PBB) at siya bale ang kauna-unahang celebrity na na-evict.

Si Aleck ay nakilala sa mga pelikulang nagawa niya simula nung 2002 tulad ng Kaulayaw, Tampisaw, Masarap na Pugad, Hiram, Kerida at U-Belt.  Kasama rin siya sa pelikulang Naglalayag in 2004 at Manila in 2009.

Pagkatapos ng ‘unos’, Derek hayahay na uli ang buhay

Everything is coming up roses for Derek Ramsay ngayong 2015 dahil nalagpasan na niya ang kanyang controversial legal battle with his ex-wife na si Mary Christine Jolly. Very close na rin siya sa kanyang anak na si Austin. 

Bago nagtapos ang taong 2014, isang Best Actor trophy ang kanyang nakuha mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night noong December 27 na ginanap sa Plenary Hall ng PICC. Naging malaking hit sa takilya ang kanilang unang tambalan ni Jennylyn Mercado, ang English Only, Please na produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Sa pagpasok ng taong 2015 ay may bago siyang movie na pinagtatambalan nila ni Kris Aquino at nag-join forces ang Regal Entertainment, Star Cinema, Kris Aquino Productions, at Quantum Films. Meron ding bagong weekly sitcom sa TV5 si Derek, ang Mac & Chiz na pinagsasamahan nila ng ko­medyanteng si Empoy.

Balik na rin ang tiwala ng mga advertisers kay Derek at may mga naka-line-up siyang new product endorsements for this year.

Derek looks forward to a more productive year ngayong 2015.

Antoinette at Tom nagtagumpay sa pagbabalik-‘Pinas

Nag-pay off din ang pagbabalik-bayan ng magkapatid na Antoinette Taus at Tom Taus dahil mu­ling nabuhay ang kanilang respective careers sa Pilipinas nang magdesisyon silang bumalik sa bansa noong isang taon.

Si Tom ay may bagong TV show sa TV5, ang Move It: Clash of Street Dancers, isang kakaibang dance competition which he co-hosts with Jasmine Curtis-Smith.

vuukle comment

ALECK BOVICK

AMY PEREZ

ANTOINETTE TAUS

BEST ACTOR

CELEBRITY EDITION

CLASH OF STREET DANCERS

DEREK

QUANTUM FILMS

SI ALECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with