^

PSN Showbiz

Nanay-nanayan, dinuru-duro: Aktres na bait-baitan ang hitsura, kasumpa-sumpa ang sama ng ugali

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala, kahit maraming taon na ang lumilipas, ay dinadala pa rin sa dibdib ng isang taong may malaking nagawa sa career ng isang young actress ang isang kahindik-hindik na karanasan sa kanyang buhay.

Naghiwalay sila ng landas pagkatapos nu’n, kinuha ng bagong mag-aalaga sa kanya ang young actress, iniwan niyang luhaan ang taong naglaan ng panahon at namuhunan talaga para matupad ang kanyang pangarap na sumikat.

Tandang-tanda pa ng dating nag-aalaga sa career ng young actress ang senaryo nang magkaroon sila ng argumento. Nagkapalitan sila nang maaanghang na salita, walang may gustong sumuko sa kanilang dalawa, hanggang sa umakyat sa kama ang young actress at dinuru-duro ang mukha ng babae.

Minura-mura niya ang babaeng halos nanay na niya ang edad, nagulantang ang babae, hindi nito sukat akalain na kaya palang mambastos ng ganu’n ng kanyang alaga.

“Hindi niya maidedenay ang ginawa niya, bukod sa babaeng pinagmumura niya, witness din sa nangyari ang boyfriend niya. Siguro, kaya nakipag-break sa kanya si ____(pangalan ng young actor pa nu’n na may magandang misis na aktres na ngayon), e, dahil sa nakita niyang ginawa ng girlfriend niya.

“Pailalim ang ugali ng babaeng ‘yun! Parang bait-baitan siya sa harap ng mga camera, pero dios mio, napakasama ng ugali niya sa totoong buhay!” madiin pang kuwento ng isang impormanteng nakasaksi sa pagkakaospital ng babaeng pinagmumura nang walang humpay ng batang aktres.

Hanggang ngayon pala, kapag naiisip ng babae ang ginawa sa kanya ng young actress, ay bigla na lang itong napapapitlag. Isang napakasamang ba­ngungot ang turing nito sa ginawa sa kanya ng young actress.

Tanong ng aming source, “Kailan kaya magigising sa katotohanan ang boyfriend niya ngayon sa tunay niyang ugali? Sa totoo lang, hindi bagay sa ugali niya ang pangalan niya!” pagsasarado sa kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Arnell yumaman nang husto sa buy and sell

Marunong humawak ng pananalapi si Arnell Ignacio. Ayos lang na wala siyang TV show pero mas maganda kung meron, dahil pumasok siya sa negosyo ng build and sell, nagpapatayo siya ng mga bahay na ibinebenta rin niya pagkatapos para pagkakitaan.

Markado siya ng mga buyers dahil hindi niya tinitipid ang mga materyales, binabantayan niya ang paggawa ng bahay, pangalan niya ang nakataya sa bentahan kaya kailangang maganda ang imahe niya sa merkado.

Nu’ng kasagsagan ng kanyang TV career at matagumpay na pagnenegosyo ay nakaipon siya nang husto. Mula sa pagba-buy and sell ng mga sasakyan ay lumago nang lumago ang kanyang ipon, hanggang sa bahay na ang pinasok niyang negosyo, parang namumulaklak ang kanyang business ngayon.

Magiging abala na naman si Arnelli dahil sa January 19, ganap na alas onse y medya nang tanghali ay magsisimula nang mapanood sa TV5 ang bago nilang show nina Gelli de Belen at Attorney Mel Sta. Maria na Solved Na Solved.

Mula Lunes hanggang Biyernes mapapanood ang programang kapupulutan ng aral at kabuluhan ng televiewers dahil sa mga problemang idudulog ng ating mga kababayan na agad-agad nilang sosolusyunan.

Kadalasan kasi ay takot ang nagpapahina sa a­ting kalooban, parang katapusan na ng mundo ang ating pakiramdam kapag inaatake tayo ng mga pag­hamon, nakakalimutan natin na kung may salitang problema ay meron ding salitang solusyon.

Problema. Solusyon. Leksiyon.

vuukle comment

ARNELL

ARNELL IGNACIO

ARNELLI

ATTORNEY MEL STA

MULA LUNES

NANG

NIYA

SOLVED NA SOLVED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with