^

PSN Showbiz

Young actress humaba ang sungay, kinabubuwisitan ng mga dating katrabaho sa binalikang network

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot naman kung ngayon pa lang ay nagpaparamdam na ng kamalditahan ang isang young actress na kalulundag pa lang pabalik sa unang istasyong pinaglingkuran niya nu’n.

Kung matatandaan ay pangsahog lang siya nu’n sa mga proyektong ginagawa ng kanyang unang network, kundi siya kaibigan ng bida ay kung anu-anong role lang ang ibinibigay sa kanya, nakatikim lang na magbida ang young actress nang lumipat na siya ng istasyon.

Magagandang oportunidad ang ibinigay sa kanya ng nilipatan niyang network, nagpatawa siya at nagdrama, kumanta at sumayaw nang bonggang-bongga, pero isang araw ay bigla na lang siyang nag-alsa-balutan, lumundag siya pabalik sa network na iniwanan niya nu’n.

Mas magaganda na ang ibinibigay na role ngayon sa kanya, hindi na siya basta pamparami lang, gamit na gamit din siya sa hosting na ipinagtataka ng kanyang mga dinatnan sa network kung paano niya nakukuha.

Ayon sa mga miron sa network ay kalawit nang kalawit ng mga proyekto ang ina ng young actress para sa kanya. Package deal daw ang labanan, nasa nasabing network din kasi ang isang female persona­lity na hindi iba sa kanya, gagawin lang kuno ng mas nakatatandang female personality ang proyektong iniaalok dito kung kasama ang young actress.

Nakasimangot na komento ng isang taga-network mismo, “May kamalditahan ang batang ‘yun, akala mo naman kung sino na siya sa network, e, binabraso lang naman ng mommy niya ang mga exectuives para magkatrabaho siya!

“Marami na siyang demand, kung anu-ano na ang ipinagmamarakulyo niya, para bang meron na siyang napatunayan? Kung alam n’yo lang. Marami nang naiinis sa kanya ngayon, nagtitimpi lang ang mga taong ‘yun!” madiin pang kuwento ng isang taga-network mismo ng young actress.

Ubos!

LJ parang alcohol lang ang peg!

Kumpleto na ang kaligayahan ngayon ng mag-asawang Jimmy Alapag at LJ Moreno. Pagkatapos nilang maghintay nang mahabang panahon ay may munting anghel nang nagpapaligaya sa kanilang tahanan ngayon.

Kinailangan lang talagang mamahinga muna ni LJ sa kanyang mga kinahihiligang pisikal na dibersiyon, sumasali kasi ang aktres sa iba’t ibang kumpetisyon, ang dahilan kung bakit nagkakasundo sila ng kanyang basketbolistang mister na si Jimmy ng Talk ‘N Text.

Sa unang sultada ng The Amazing Race Philippines ni Derek Ramsay ay si LJ at ang kanyang kapareha ang nagkampeon. Sa umpisa pa lang ng labanan ay marami nang nagkomento na siya ang mananalo dahil bukod sa maliksi na siyang gumalaw ay matalino pa ang aktres.

Isa si LJ Moreno-Alapag kasama sina Danica Sotto, Jeck Maierhofer, at RR Enriquez sa mga bibigyan ng tutok ng TV5 sa pagpasok ng 2015, isa siya sa mga hosts ng programang Happy Wife, Happy Life, isang palabas na iikot ang kuwento sa mga misis ng mga sikat na manlalaro.

Handang-handa na ang tropa sa kanilang show, ito ang panahong hinihintay ng ating mga kababayan, ang masilip din nila ang personal na buhay ng mga iniidolo nilang basketball players tulad nina Jimmy Alapag, Mark Pingris, Rico Maierhofer, at Jayjay Helterbrand na siyempre’y papasadahan din ang mga aktibidad sa nasabing programa.

Matagumpay ring bake shop owner si LJ Moreno pero prayoridad niya ang kanyang pamilya, alcohol na alcohol lang ang kanyang peg dahil hindi lang siya pampamilya, pang-sports pa!

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

DANICA SOTTO

JIMMY ALAPAG

KUNG

LANG

NETWORK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with