^

PSN Showbiz

Iza nag-solo sa pagri-relax sa Batangas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Iza Calzado ang nakita ko kahapon sa The Farm, Lipa City. Nagsosolo lang si Iza dahil ngayon pa lamang susunod sa The Farm ang kanyang dyowa.

Regular na nagpapa-detox sa The Farm si Iza na ang ganda-ganda ng mukha, lalo na kapag walang make-up.

Naging posible ang overnight vacation ko sa The Farm dahil sa treat ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano.

Hindi kasi ako nakadalo sa wedding ni Pinky at ng kanyang mister na si Juancho Robles kaya dinala nila ako at ang aking mga kasama sa The Farm para sa isang araw na relaxation at detoxification.

Type na type ko ang Colema procedure ng The Farm dahil gumaan ang pakiramdam ko at nadoble ang sigla ng katawan ko.

Kung malapit lang sa Maynila o Quezon City ang The Farm, siguradong every week ang appointment ko para sa Colema procedure.

Papa Miguel naalaala ko sa The Farm

Si Papa Miguel Belmonte ang naalaala ko sa unang tuntong ko sa The Farm.

Si Papa Miguel ang unang-unang nag-imbita sa akin noon para pumunta sa The Farm. Nanghihinayang ako dahil hindi ko napagbigyan ang treat ni Papa Miguel or else, noon ko pa naranasan ang positive effect ng Colema sa katawan.

The Farm, binisita na RIN ng Hollywood actor na si Woody Harrelson

Maraming mga local celebrity ang nagpupunta sa The Farm.

Bukod kay Iza, regular visitor ng The Farm sina Eugene Domingo, Amy Austria, at Lorna Tolentino

Natatandaan ko na bumisita rin noon sa The Farm ang Hollywood actor na si Woody Harrelson.

Ipinakilala sa akin ni Mama Pinky ang The Farm owner na si Naresh Khattar. Sinabi ko talaga kay Papa Naresh na gusto ko siya na maging bestfriend dahil mayaman siya.

Laugh lang nang laugh si Papa Naresh na walang kamalay-malay na any moment, gagamitin ko na ang name na Lolita Khattar.

‘Feeling royalty ang drama ko’

Ang ganda-ganda at super-sosyal ng villa na tinuluyan namin sa The Farm.

Lakan ang name ng villa na madalas na ginagamit ng mga royalty na nagbabakasyon sa The Farm.

Feeling royalty din ang drama ko dahil bagay na bagay ang personality ko sa sosyal na Lakan Villa.

Iza hindi nakahabol sa kasal nina Dingdong at Marian dahil sa sinakyang eroplano

Naikuwento sa akin ni Iza na invited siya sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, pero hindi na siya nakadalo dahil ‘yun din ang araw ng flight niya mula sa Bangkok, Thailand.

Nakagayak si Iza na dumalo dahil nagpagawa na siya ng damit at may appointment na siya sa kanyang make-up artist.

Eh hapon na raw nang lumapag sa NAIA ang eroplano na sinakyan niya mula sa Thailand kaya wala nang panahon para humabol siya sa kasal nina Marian at Dingdong.

Ikinuwento ko na lang kay Iza na isa ang kasal nina Dingdong at Marian sa mga pinakamaganda na kasal na pinuntahan ko dahil open ito sa public pero naramdaman ng mga bisita ang privacy at solemnity ng okasyon.

Wala pa sa plano ni Iza na magpakasal dahil ang kanyang career ang priority niya sa kasalukuyan.

vuukle comment

COLEMA

DAHIL

FARM

IZA

PAPA MIGUEL

PAPA NARESH

WOODY HARRELSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with