^

PSN Showbiz

‘Huwag na kayong mag-alala sa aking kalagayan, binigyan ako ng extension ng Panginoon’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

O, kayong mga nag-worry sa aking pagkaka-mild stroke, huwag na kayong mag-alala. Binigyan pa ako ng extension ng Panginoon. Alam niyang hindi pa tapos ang misyon ko sa mundo. ‘Yun nga lang, kailangan na akong maghinay-hinay, kundi magagalit na ang pamilya ko, lalo na si Federico. I have to consider them and my health. Pati ang kaibigan kong si Veronica Samio, matutuwa kung hindi ako abutan ng pagsikat ng araw sa aking trabaho. Tama lang na kahit pangmadaling araw ang Walang Tulugan, hindi naman hanggang madaling araw ang taping ko.

Tambalang KC at Paulo may mystery pa

Mukhang masasapawan ng pareha nina Paulo Avelino at KC Concepcion ang kilig na ibinigay nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa ikatlong serye ng Give Love on Christmas. Siguro ay dahil may mis­teryo pa ang tambalan nina Paulo at KC. Wala pa kasi silang inaamin ‘di tulad ng tambalan nina Gerald at Maja na alam mong plantsado na. Kaya marami ang siguradonag manono­od ng serye na magsisimula ngayong araw kahit lampas na ang Kapaskuhan, only to see kung may chemistry ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at ex-BF ni LJ Reyes. Dahil kung meron nga ay susuportahan talaga ng mga manonood ang serye nila.

 

vuukle comment

ALAM

GERALD ANDERSON

GIVE LOVE

MAJA SALVADOR

MEGASTAR SHARON CUNETA

PAULO

PAULO AVELINO

VERONICA SAMIO

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with