^

PSN Showbiz

Prinsesa na: Sarah bagong Rapunzel ng Disney!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Confirmed : Disney Princess na si Sarah Geronimo. Ito ay matapos ang announcement ng Disney Channel Asia kahapon sa kanilang #12DaysofPrincess.

Ang character ni Rapunzel ang napunta kay Sarah.

Bago ang naging announcement ng Disney, nagbigay na sila ng idea tungkol sa nasabing 12 Days of Princess sa kanilang Facebook account last Christmas : It’s the holiday season and Disney’s ?#?12DaysOfPrincess starts today!

12 beautiful stars from around Southeast Asia will be revealed as Disney Princesses. As you celebrate the festivities, look out for clues revealed once every day over the next 12 days.

Who are the stars? Which Disney Princesses will they be? 

Kaya naman last week pa ay trending na ang Rapunzel ni Sarah. Pero hindi pa nun kino-confirm ng Disney Channel.

Ayon pa sa post ng Disney, si Rapunzel ang favorite character ni Sarah.

Si Rapunzel ay bida sa pelikulang Tangled na ipinalabas noong 2010.

Kasama rin sa 12 Days of Princess si Kim Chiu as Mulan naman.

Prior to Rapunzel, nauna nang kinanta ni Sarah for Disney Channel ang The Glow na maya’t maya napapanood sa Disney Channel sa cable.

Likeable ang character ni Rapunzel. Sabi nga ni Sarah : “My favorite princess is Rapunzel. She is locked up in this tower. And some of us are locked up or imprisoned by our own fears, worries, and insecurities in life. Rapunzel showed courage and determination to get out of it and discover her true identity, her true family, her own strengths, and of course love.”

Bukod sa pagiging prinsesa na ni Sarah, maraming kinilig as if Valentine’s Day dahil sa New Year photo nila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli. Obviously magkasama sila noong New Year. Heto ang caption ni Matteo sa kanyang Instagram account kung saan sila parehong nakadilat ang mata ni Sarah : “With the most beautiful person in the world. I love you. 2015 here we come!” 

Hindi magkasama ang dalawa noong Pasko.

Cake sa kasalang DongYan pinag-usapan sa Amerika at UK, malamang pumasok pa raw sa Guinness…

Kahit noong last year pa ginanap ang kasalang DongYan, hot topic pa rin ang kanilang Royal Wedding. At ang latest na pinag-uusapan nang husto ay ang higanting cake nila.

Ayon sa online stories, malamang daw na makasama ito sa  Guinness World Records dahil sa sobrang laki.

Ang cake ay gawa ng Goldilocks kung saan endorser si Dingdong.

Marami kasi talagang namangha sa napakalaking 3D mapping cake na napanood ng mga guest sa reception sa MOA Arena ang special effects bago nagsubuan ng cake ang mag-asawa.

Bukod sa nasabing usapan sa Guinness, hanggang Amerika at UK ay pinag-usapan daw ito.

Na-feature lang naman ang cake sa Good Morning America at sa isang broadsheet sa UK kung saan naka-headline ang “Is this the world’s biggest wedding cake?”

Pero walang may idea kung magkano ang nasabing cake dahil regalo lang umano ito ng may-ari ng Goldilocks na more than a month ginawa. Kinailangan din daw nito ng at least a dozen na nagbuhat papasok ng reception noong December 30.

Kasalukuyang nasa Boracay ang bagong kasal kasama ang ama ni Marian.

Kris nagbigay ng P10K na offering

Kuwentong kasalan pa rin, siguradong iwi-wish ng ilang simbahan na magkaroon din sa lugar nila ng kasalan at maging ninang si Kris Aquino.

Ibinuko kasi ni Nay Lolit Solis sa offering, P10k ang ibinigay ni Kris. Pero nag-dialogue raw si Kris na kasama na doon ang mga ninang na hindi nakabigay ng offering dahil hindi nagdala ng wallet.

Kung sabagay peanut lang ang P10k sa presidential sister.

vuukle comment

AMERIKA

CAKE

DAYS OF PRINCESS

DISNEY

DISNEY CHANNEL

NEW YEAR

PERO

RAPUNZEL

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with