^

PSN Showbiz

Dingdong naka-motor nang dumating sa simbahan, hindi maintindihan ang naramdaman bago nagpatali kay Marian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Umabot ng halos dalawang oras ang seremonya ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na ginanap sa Immaculate Conception Parish Church sa Cubao, Quezon City.

Siyam na Obispo at pitong pari ang nag-officiate ng kasal, at si Most Rev. Teodoro Bacani ang nagbigay ng homily.

Napakaganda ni Marian sa kanyang wedding gown na gawa ni Michael Cinco.

Nakaka-touch ang paghatid sa kanya sa altar ng kanyang magulang kasama ang lola niya.           

Hindi napigilan ng lola ni Ma­rian na maluha nang humalik na sa kanya ang kanyang paboritong apo.

Sa dalawampung pares na ninong at ninang, sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit at Sharon Cuneta ang hindi nakarating sa simbahan.

Kahit dagsa ang mga fans na dumating para saksihan ang wedding of the year, maayos ang coordination sa kasal at hindi ito magulo.

Nagtilian sila nang dumating si Dingdong na naka-Ducati bike.

Natanong pa namin si Dingdong bago nagsimula ang seremonya kung ano ang naramdaman niya, “Hindi ko maintindihan eh,” pakli ng GMA Primetime King.           

Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang excitement at kaba na rin habang abala ito sa pag-istima sa mga bisitang dumating.

PAK: Ilan sa mga namataan namin nang magsimula nang magdatingan ang mga bisita, magkasunod na dumating sina Katrina Halili at ang magka-partner na sina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Hindi sila nagpansinan kahit halos magkalapit lang silang nakatayo sa labas ng simbahan.

Naka-eksena rin doon ang pagbabati nina Kris Aquino at AiAi delas Alas.

Hindi na nakaimik si AiAi nang lumapit sa kanya si Kris at yumakap sa kanya. “May peace offering ako sa ‘yo. Sana mahal na natin ang isa’t isa,” sabi ni Kris kay Aiai.

“Happy new year” na lang ang nasabi ni AiAi nang hiningan namin siya ng reaksyon.

Parang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Necklace daw ang binigay niya kay AiAi na may Mama Mary, Jesus at scapular dahil pareho raw silang Marian devotee at pareho daw kasi silang madasalin.

Matagal na raw niyang gustong makipagbati, pero ang pakiramdam daw niya, ngayon ang tamang panahon na makipag-ayos siya.

Ang nilagay daw niya sa dedication sa card para kay AiAi; “I pray na your heart is ready to forgive me and we can be friendships again.”

Sana nga raw ay bukas na ang puso ni AiAi na magkaayos na sila at mabalik ang dating maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

BOOM: Nagulat naman si Kris nang lumapit sa kanya si Mayor Herbert Bautista at nagbeso.

Habang ini-interview namin ito, at tungkol pa naman kay Mayor Bistek ang pinag-uusapan namin nang biglang nagbeso nga sa kanya ang QC Mayor kaya napatili ito sa sobrang pagkagulat. Hindi na nagpa-interview si Kris, at nahihiya na raw siya.

Ayaw daw niya munang magsalita tungkol sa sorpresa sa kanya ni Mayor Herbert kamakailan lang.

Naiintriga tuloy kung may posibilidad bang pagbabalikan, pero ayaw pa muna magkomento ni Kris.

Handa na ba siyang makipagbalikan? “It’s not for me to decide eh. Ako, walang problema sa side ko eh. Walang problema sa mga kapatid ko, sa mga anak ko. Siguro sa kanya.

 “Siguro I have to pay tribute to Harlene (Bautista), kasi siya talaga ang gumawa ng paraan na maging friends uli ng kuya niya.”

Hindi rin nagkomento si Mayor Herbert ng tungkol sa kanila ni Kris, pero okay raw sila at nabalik daw ang kanilang pagkakaibigan.

vuukle comment

AIAI

DINGDONG DANTES

DR. HAYDEN KHO

KANYA

MAYOR HERBERT

NANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with