^

PSN Showbiz

Dingdong teary-eyed habang hinihintay si Marian sa altar

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakisama ang panahon kahapon sa kasal nina Marian Rivera at Ding­dong Dantes dahil hindi  umulan kaya maligayang-maligaya ang fans. Teary -eyed si Dingdong habang naglalakad si Marian patungo sa altar.

Kung teary-eyed si Dingdong, umiiyak naman ang kanyang mga tita na mahal na mahal siya.

Nakaupo sa likuran ko sina Kris Aquino at Lucy Torres. Ang sey ni Kris, bati na raw kami ngayong 2015 at sa 2016 ko na lang daw siya awayin.

Ineklay ko si Kris na huwag niya akong plastikin tulad nang pagbabati nila kahapon ni AiAi Delas Alas bago nagsimula ang wedding ceremony.

Na-overheard ni Batangas Governor Vilma Santos ang dialogue ko kaya nagsalita siya na magtawagan kami sa telepono dahil curious siya na malaman ang kaplastikan na sinasabi ko.

Hindi nagmartsa si P-Noy na Witness of Honour ng kasal. Dumiretso na si P-Noy sa puwesto niya na malapit sa altar. Ang nanay, tatay, at lola ni Marian ang naghatid sa kanya sa altar.

Kamukhang-kamukha talaga ni Marian ang kanyang fadir lalo na kapag tumatawa ito. Star na star din ang tatay ni Marian na panay ang kaway sa fans. Magkasama sa simbahan sina Pauleen Luna at Vic Sotto na ninong naman sa kasal.

Nag-smile lang si Bossing nang tanungin ko kung kailan sila magpapakasal ni Pauleen. Panay ang saway sa akin ni Dra. Vicki Belo dahil itsinismis  ko na magpapakasal na rin sila  ni Hayden Kho, Jr. sa February 2015. May balita na may bagong inspirasyon si Mama Vicki pero si Hayden ang kasama niya kahapon at nagbitbit ng kanyang bag na kumikinang.

Maganda ang wedding gown ni Marian na millions of pesos ang halaga. Sakop ng train ng wedding gown ni Marian ang buong sahig ng Immaculate Conception Cathderal pero parang hindi siya nahirapan sa paglalakad. Nagniningning ang mukha ni Marian dahil sa sobrang happiness habang rumarampa siya papunta sa altar.

 

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

DELAS ALAS

HAYDEN KHO

IMMACULATE CONCEPTION CATHDERAL

KRIS AQUINO

LUCY TORRES

MAMA VICKI

MARIAN

MARIAN RIVERA

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with